1 Paralipomeno 1:43

Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

Genesis 36:31-43

At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

Genesis 49:10

Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa.

Mga Bilang 24:17-19

Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag