1 Paralipomeno 26:6

Kay Semeias namang kaniyang anak ay nagkaanak ng mga lalake na nagsipagpuno sa sangbahayan ng kanilang magulang: sapagka't sila'y mga makapangyarihang lalaking matatapang.

Mga Hukom 6:12

At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

2 Samuel 2:7

Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.

1 Paralipomeno 12:28

At si Sadoc, na isang binatang makapangyarihan na may tapang, at sa sangbahayan ng kaniyang magulang ay dalawang pu at dalawang pinunong kawal.

1 Paralipomeno 26:8

Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalake sa kalakasan ukol sa paglilingkod; anim na pu't dalawa kay Obed-edom.

2 Paralipomeno 26:17

At si Azarias na saserdote ay pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:

Nehemias 11:14

At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu't walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim.

1 Timoteo 6:12

Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.

2 Timoteo 2:3

Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag