1 Samuel 10:16

At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan na. Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya.

1 Samuel 9:20

At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?

Exodo 4:18

At si Moises ay yumaon, at bumalik kay Jethro na kaniyang biyanan, at nagsabi sa kaniya, Pahintulutan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at bumalik sa aking mga kapatid na nasa Egipto, at titingnan ko, kung sila'y nabubuhay pa. At sinabi ni Jethro kay Moises, Yumaon kang payapa.

Mga Hukom 14:6

At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing, at siya'y walang anoman sa kaniyang kamay; nguni't hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa.

1 Samuel 9:27

At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan, ay sinabi ni Samuel kay Saul, Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin (at siya'y nagpauna,) nguni't tumigil ka sa oras na ito, upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios.

Kawikaan 29:11

Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag