1 Samuel 15:13

At naparoon si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, aking tinupad ang utos ng Panginoon.

Genesis 14:19

At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:

Mga Hukom 17:2

At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak.

Ruth 3:10

At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.

Genesis 3:12

At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.

1 Samuel 13:10

At nangyari, na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin, narito, si Samuel ay dumating; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kaniya.

1 Samuel 15:9

Nguni't pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: nguni't bawa't bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol.

1 Samuel 15:11

Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.

Kawikaan 27:2

Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.

Kawikaan 28:13

Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

Kawikaan 30:13

May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas.

Kawikaan 31:31

Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay; at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-bayan.

Lucas 17:10

Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.

Lucas 18:11

Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.

Treasury of Scripture Knowledge did not add