1 Samuel 9:1
May isang lalake nga sa Benjamin, na ang pangala'y Cis, na anak ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, na anak ni Aphia, na anak ng isang Benjamita, na isang makapangyarihang lalake na may tapang.
1 Samuel 14:51
At si Cis ay ama ni Saul; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel.
1 Paralipomeno 9:36-39
At ang anak niyang panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Ner, at si Nadab;
1 Samuel 25:2
At may isang lalake sa Maon, na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo; at ang lalake ay lubhang dakila, at siya'y mayroong tatlong libong tupa, at isang libong kambing; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo.
2 Samuel 19:32
Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao.
1 Paralipomeno 8:30-33
At ang kaniyang anak na panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Nadab;
Job 1:3
Ang kaniyang pag-aari naman ay pitong libong tupa, at tatlong libong kamelyo, at limang daang magkatuwang na baka, at limang daang asnong babae, at isang totoong malaking sangbahayan; na anopa't ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan.
Mga Gawa 13:21
At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag