2 Mga Hari 13:8

Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

1 Mga Hari 11:4

Sapagka't nangyari, nang si Salomon ay matanda na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang ama.

1 Mga Hari 14:19-20

At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam kung paanong siya'y nakidigma, at kung paanong siya'y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

1 Mga Hari 14:29

Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

1 Mga Hari 14:31

At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

2 Mga Hari 10:34-35

Ang iba nga sa mga gawa ni Jehu, at ang lahat niyang ginawa, at ang buo niyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag