2 Mga Hari 23:36

Si Joacim ay may dalawangpu't limang taon nang magpasimulang maghari: at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebuda na anak ni Pedaia na taga Ruma.

2 Paralipomeno 36:5

Si Joacim ay may dalawang pu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon, sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios.

1 Paralipomeno 3:15

At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.

Jeremias 1:3

Dumating din nang kaarawan ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.

Jeremias 26:1

Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag