2 Paralipomeno 15:19

At nawalan na ng digma sa ikatatlong pu't limang taon ng paghahari ni Asa.

1 Mga Hari 15:16-17

At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan.

1 Mga Hari 15:31

Ang iba nga sa mga gawa ni Nadab, at ang lahat niyang ginawa, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

1 Mga Hari 15:33

Nang ikatlong taon ni Asa na hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Baasa na anak ni Ahia sa buong Israel sa Thirsa, at naghari na dalawang pu't apat na taon.

2 Paralipomeno 16:1

Nang ikatatlong pu't anim na taon ng paghahari ni Asa, si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama, upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag