2 Paralipomeno 21:6

At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; sapagka't siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.

2 Paralipomeno 18:1

Si Josaphat nga ay nagkaroon ng kayamanan, at dangal na sagana; at siya'y nakipagkamaganak kay Achab.

1 Mga Hari 12:28-30

Kaya't ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga dios, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto.

2 Mga Hari 8:18

At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang anak ni Achab ay kaniyang asawa: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.

1 Mga Hari 16:25-33

At gumawa si Omri ng masama sa paningin ng Panginoon, at gumawa ng masama na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya.

2 Paralipomeno 22:2

May apat na pu't dalawang taon si Ochozias nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri.

Nehemias 13:25-26

At ako'y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo'y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag