2 Paralipomeno 31:19

Gayon din sa mga anak ni Aaron na mga saserdote, na nangasa bukiran ng mga nayon ng kanilang mga bayan, sa bawa't iba't ibang bayan, may mga lalake na nasaysay sa pangalan, upang magbigay ng mga pagkain sa lahat na lalake na saserdote, at sa lahat na nangabilang ayon sa talaan ng lahi ng mga Levita.

2 Paralipomeno 31:12-15

At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi, at ng mga itinalagang bagay, na may pagtatapat. At sa mga yaon ay katiwala si Chonanias na Levita, at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa.

Levitico 25:34

Datapuwa't ang mga bukid sa palibot ng mga bayan nila, ay hindi maipagbibili, sapagka't pag-aari nila magpakailan man.

Mga Bilang 35:2-5

Iutos mo sa mga anak ni Israel, na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pag-aari, ng mga bayan na matahanan; at ang mga pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita,

2 Paralipomeno 28:15

At ang mga lalaking nasaysay sa pangalan ay nagsitindig, at kinuha ang mga bihag, at sa samsam ay binihisan ang lahat na hubad sa kanila, at dinamtan at sinapatusan, at mga pinakain at pinainom, at mga pinahiran ng langis, at dinala ang lahat na mahina sa kanila na nakasakay sa mga asno, at mga dinala sa Jerico, na bayan ng mga puno ng palma, sa kanilang mga kapatid: saka nagsibalik sila sa Samaria.

1 Paralipomeno 6:54

Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't sa kanila ang unang palad.)

1 Paralipomeno 6:60

At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.

Treasury of Scripture Knowledge did not add