Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya ng isang kutang panglabas sa bayan ni David, sa dakong kalunuran ng Gihon, sa libis, hanggang sa pasukan sa pintuang-bayan ng mga isda; at kaniyang kinulong ang Ophel, at itinaas ng malaking kataasan: at kaniyang nilagyan ng mga matapang na pinunong kawal ang lahat ng bayan na nakukutaan sa Juda.

New American Standard Bible

Now after this he built the outer wall of the city of David on the west side of Gihon, in the valley, even to the entrance of the Fish Gate; and he encircled the Ophel with it and made it very high. Then he put army commanders in all the fortified cities of Judah.

Mga Halintulad

1 Mga Hari 1:33

At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon.

2 Paralipomeno 27:3

Siya'y nagtayo ng mataas na pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, at sa kuta ng Ophel ay nagtayo siya ng marami.

Nehemias 3:3

At ang pintuang-bayan ng mga isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon.

Nehemias 12:39

At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda, at sa moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila'y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay.

Sofonias 1:10

At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.

1 Mga Hari 1:45

At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig.

2 Paralipomeno 11:11-12

At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak.

2 Paralipomeno 17:19

Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda.

2 Paralipomeno 32:5

At siya'y nagdalang tapang, at itinayo niya ang lahat na kuta na nabagsak, at pinataas pa ang mga moog, at ang ibang kuta sa labas, at pinagtibay ang Millo sa bayan ni David, at gumawa ng mga sandata at mga kalasag na sagana.

2 Paralipomeno 32:30

Ang Ezechias ding ito ang nagpatigil ng pinakamataas na bukal ng tubig sa Gihon, at ibinabang tuloy sa dakong kalunuran ng bayan ni David. At si Ezechias ay guminhawa sa lahat ng kaniyang mga gawa.

Nehemias 3:26-27

(Ang mga Nethineo nga ay nagsitahan sa Ophel, hanggang sa dako na nasa tapat ng pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan, at ng moog na nakalabas.)

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org