77 Talata sa Bibliya tungkol sa Lungsod

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 4:17

At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak, Enoc.

Genesis 10:10-12

At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar. Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah, At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan).

Mga Bilang 32:34-36

At itinayo ng mga anak ni Gad ang Dibon, at ang Ataroth, at ang Aroer, At ang Ataroth-sophan, at ang Jazer, at ang Jogbaa, At ang Beth-nimra at ang Bet-haran: na mga bayang nakukutaan, at kulungan din naman ng mga tupa.

Deuteronomio 9:1

Dinggin mo, Oh Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,

Josue 10:20

At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,

Josue 14:12

Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.

Josue 10:2

Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.

1 Samuel 27:5

At sinabi ni David kay Achis, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain, upang ako'y tumahan doon: sapagka't bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari?

1 Paralipomeno 11:7

At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.

Deuteronomio 4:41-43

Nang magkagayo'y inihiwalay ni Moises ang tatlong bayan sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw; Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon, na nakamatay sa kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan; at sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya: Sa makatuwid baga'y sa Beser, sa ilang, sa kapatagang lupa, na ukol sa mga Rubenita; at sa Ramoth sa Galaad, na ukol sa mga Gadita; at sa Golan sa Basan, na ukol sa mga Manasita.

Deuteronomio 19:1-13

Pagka ihihiwalay ng Panginoon mong Dios ang mga bansa, na lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at hahalili ka sa kanila, at iyong tatahanan ang kanilang mga bayan, at ang kanilang mga bahay; Ay maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin. Ikaw ay maghahanda sa iyo ng daan, at pagtatluhin mong bahagi ang mga hangganan ng iyong lupain, na ipinamamana sa iyo ng Panginoon mong Dios, upang matakasan ng bawa't nakamatay tao.magbasa pa.
At ito ang bagay ng nakamatay tao, na tatakas doon at mabubuhay: sinomang makapatay sa kaniyang kapuwa ng di sinasadya, at hindi niya kinapopootan ng panahong nakaraan; Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy, at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy, ay humagpos ang patalim sa tatangnan, at bumagsak sa kaniyang kapuwa, na anopa't mamatay; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siya'y mabubuhay: Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagka't ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagka't hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan. Kaya't iniuutos ko sa iyo, na sinasabi, Maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan. At kung palakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kaniyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga magulang; Kung iyong isasagawa ang buong utos na ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon mong Dios, at lumakad kailan man sa kaniyang mga daan; ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong bayan sa iyo, bukod sa tatlong ito: Upang huwag mabubo ang dugong walang sala sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo na pinakamana ng Panginoon mong Dios, at sa gayo'y maging salarin ka sa iyo. Nguni't kung ang sinoman ay mapoot sa kaniyang kapuwa, at pag-abangan niya siya, at siya'y tumindig laban sa kaniya, at saktan niya siya ng malubha, na anopa't mamatay; at siya'y tumakas sa isa sa mga bayang ito: Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at kukunin siya roon, at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo, upang siya'y mamatay. Ang iyong mata'y huwag mahahabag sa kaniya; kundi aalisin mo sa Israel ang dugong walang sala, upang ikabuti mo.

Deuteronomio 1:28

Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo.

Jonas 3:2-3

Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo. Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin.

Deuteronomio 6:10

At mangyayari, pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, upang ibigay sa iyo; na may malalaki at mabubuting bayan na hindi mo itinayo,

Nehemias 7:4

Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa.

Jonas 4:11

At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?

Deuteronomio 3:5

Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.

Ezra 4:12

Talastasin ng hari, na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan, at nayari ang mga kuta, at isinauli ang mga tatagang-baon.

2 Corinto 11:32-33

Sa Damasco ay binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin: At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay.

Deuteronomio 28:52

At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

Josue 2:15

Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.

1 Mga Hari 3:1

At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.

1 Mga Hari 4:13

Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso:)

2 Paralipomeno 33:14

Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya ng isang kutang panglabas sa bayan ni David, sa dakong kalunuran ng Gihon, sa libis, hanggang sa pasukan sa pintuang-bayan ng mga isda; at kaniyang kinulong ang Ophel, at itinaas ng malaking kataasan: at kaniyang nilagyan ng mga matapang na pinunong kawal ang lahat ng bayan na nakukutaan sa Juda.

Mga Bilang 32:17

Nguni't kami ay magsisipagalmas upang magpauna sa mga anak ni Israel hanggang sa aming maipasok sa kanilang dakong karoroonan: at ang aming mga bata ay magsisitahan sa mga bayang nakukutaan dahil sa mga nagsisitahan sa lupain.

2 Paralipomeno 11:5-12

At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda. Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa, At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam,magbasa pa.
At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph, At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha, At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan. At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak. At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.

2 Paralipomeno 14:6

At siya'y nagtayo ng mga bayang nakukutaan sa Juda: sapagka't ang lupain ay tahimik, at siya'y hindi nagkaroon ng pakikipagdigma sa mga taong yaon; sapagka't binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan.

2 Paralipomeno 17:2

At siya'y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda, at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda, at sa mga bayan ng Ephraim, na sinakop ni Asa sa kaniyang ama.

Jeremias 4:5

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan.

2 Samuel 5:7

Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; na siyang bayan ni David.

Nehemias 1:3

At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.

Jeremias 51:58

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod.

Deuteronomio 20:12

At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya:

1 Mga Hari 16:17-18

At si Omri ay umahon mula sa Gibbethon, at ang buong Israel ay kasama niya, at kanilang kinubkob ang Thirsa. At nangyari, nang makita ni Zimri na ang bayan ay nasakop, na siya'y naparoon sa castilyo ng bahay ng hari, at sinunog ng apoy ang bahay na kinaroroonan ng hari at siya'y namatay.

2 Mga Hari 25:1-4

At nangyari nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon. Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias. Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, ang kagutom ay lumala sa bayan, na anopa't walang tinapay sa bayan ng lupain.magbasa pa.
Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan;) at ang hari ay yumaon sa daan ng Araba.

Isaias 13:19

At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.

Jeremias 32:24-25

Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita. At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, iyong bilhin ng salapi ang parang, at ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.

Amos 5:9

Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan.

Awit 48:1-2

Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.

1 Mga Hari 11:36

At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon.

1 Mga Hari 14:21

At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.

Nehemias 11:1

At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.

Isaias 52:1

Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi.

Jeremias 25:29

Sapagka't, narito, ako'y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa aking pangalan, at kayo baga'y lubos na hindi mapaparusahan? Kayo'y walang pagsalang parurusahan; sapagka't aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng nananahan sa lupa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Daniel 9:16

Oh Panginoon, ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin.

Mateo 5:35

Kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't siyang bayan ng dakilang Hari.

Levitico 25:29-30

At kung ang isang tao ay magbili ng bahay na tahanan sa nakukutaang bayan ay matutubos niya sa loob ng isang buong taon pagkatapos na maipagbili; sapagka't isang buong taon ang kaniyang matuwid ng pagtubos. At kung hindi matubos sa loob ng isang buong taon, ang bahay na nasa nakukutaang bayan ay lalagi magpakailan man, na pag-aari niyaong bumili, sa buong panahon ng kaniyang lahi: hindi maaalis sa kaniya sa jubileo.

Jeremias 1:18

Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain.

Mga Hebreo 11:16

Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.

Pahayag 22:1-5

At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;magbasa pa.
At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.

Mga Paksa sa Lungsod

Ai, Ang Lungsod ng

Josue 7:2

At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.

Alexandria, Ang Lungsod ng

Mga Gawa 6:9

Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.

Apat na Lungsod

Josue 19:7

Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:

Banal na Lungsod

Nehemias 11:1

At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.

Dalawang Lungsod

Judas 1:7

Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.

Lungsod na Kanlungan

Mga Bilang 35:6-34

At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan.

Lungsod na Kapatagan

Genesis 13:10-12

At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa Zoar, bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.

Lungsod na Pinaliligiran ng mga Muog

Mga Bilang 13:28

Gayon man ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon.

Lungsod ng Diyos

Awit 48:1-3

Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.

Lungsod ni David

1 Paralipomeno 11:5

At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.

Lungsod sa Israel

Deuteronomio 3:4-6

At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan.

Lungsod, Mga

Levitico 25:29-31

At kung ang isang tao ay magbili ng bahay na tahanan sa nakukutaang bayan ay matutubos niya sa loob ng isang buong taon pagkatapos na maipagbili; sapagka't isang buong taon ang kaniyang matuwid ng pagtubos.

Lungsod, Punong

Pahayag 21:16

At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.

Muling Pagtatatag ng mga Kilalang Lungsod

Josue 6:26

At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.

Pagbihag sa mga Lungsod

2 Samuel 5:6-9

At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.

Pagkawasak ng mga Lungsod

Levitico 26:31

At gagawin kong giba ang inyong mga bayan, at gigibain ko ang inyong mga santuario, at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap.

Tatlong Lungsod

Mga Bilang 35:14

Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan, at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan; siyang magiging mga bayang ampunan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a