2 At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo, na kasama niya, Magparoo't parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at bilangin ninyo ang bayan, upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan.
2 The king said to Joab the commander of the army who was with him, “Go about now through all the tribes of Israel, from Dan to Beersheba, and register the people, that I may know the number of the people.”
3 At sinabi ni Joab sa hari, Ngayo'y dagdagan ng Panginoon mong Dios ang bayan, sa gaano man karami sila, ng makaisang daan pa; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari: nguni't bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito?
3 But Joab said to the king, “Now may the Lord your God add to the people a hundred times as many as they are, while the eyes of my lord the king still see; but why does my lord the king delight in this thing?”
4 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab, at laban sa mga puno ng hukbo. At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel.
4 Nevertheless, the king’s word prevailed against Joab and against the commanders of the army. So Joab and the commanders of the army went out from the presence of the king to register the people of Israel.
7 At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro, at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo, at ng mga Cananeo; at sila'y nagsilabas sa timugan ng Juda, sa Beer-seba.
7 and came to the fortress of Tyre and to all the cities of the Hivites and of the Canaanites, and they went out to the south of Judah, to Beersheba.
9 At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake.
9 And Joab gave the number of the registration of the people to the king; and there were in Israel eight hundred thousand valiant men who drew the sword, and the men of Judah were five hundred thousand men.
10 At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan. At sinabi ni David sa Panginoon, Ako'y nagkasala ng malaki sa aking nagawa: nguni't ngayo'y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod; sapagka't aking ginawa ng buong kamangmangan.
10 Now David’s heart troubled him after he had numbered the people. So David said to the Lord, “I have sinned greatly in what I have done. But now, O Lord, please take away the iniquity of Your servant, for I have acted very foolishly.”
12 Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo.
12 “Go and speak to David, ‘Thus the Lord says, “I am offering you three things; choose for yourself one of them, which I will do to you.”’”
13 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin.
13 So Gad came to David and told him, and said to him, “Shall seven years of famine come to you in your land? Or will you flee three months before your foes while they pursue you? Or shall there be three days’ pestilence in your land? Now consider and see what answer I shall return to Him who sent me.”
14 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
14 Then David said to Gad, “I am in great distress. Let us now fall into the hand of the Lord for His mercies are great, but do not let me fall into the hand of man.”
15 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon: at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake.
15 So the Lord sent a pestilence upon Israel from the morning until the appointed time, and seventy thousand men of the people from Dan to Beersheba died.
16 At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo.
16 When the angel stretched out his hand toward Jerusalem to destroy it, the Lord relented from the calamity and said to the angel who destroyed the people, “It is enough! Now relax your hand!” And the angel of the Lord was by the threshing floor of Araunah the Jebusite.
17 At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama.
17 Then David spoke to the Lord when he saw the angel who was striking down the people, and said, “Behold, it is I who have sinned, and it is I who have done wrong; but these sheep, what have they done? Please let Your hand be against me and against my father’s house.”
20 At tumanaw si Arauna, at nakita ang hari, at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari.
20 Araunah looked down and saw the king and his servants crossing over toward him; and Araunah went out and bowed his face to the ground before the king.
21 At sinabi ni Arauna: Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod? At sinabi ni David, Upang bilhin ang giikan sa iyo, na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon, upang ang salot ay magtigil sa bayan.
21 Then Araunah said, “Why has my lord the king come to his servant?” And David said, “To buy the threshing floor from you, in order to build an altar to the Lord, that the plague may be held back from the people.”
22 At sinabi ni Arauna kay David, Kunin ng aking panginoon na hari, at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti: narito, ang mga baka na panghandog na susunugin, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy:
22 Araunah said to David, “Let my lord the king take and offer up what is good in his sight. Look, the oxen for the burnt offering, the threshing sledges and the yokes of the oxen for the wood.
24 At sinabi ng hari kay Arauna, Huwag; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga: hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman. Sa gayo'y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak.
24 However, the king said to Araunah, “No, but I will surely buy it from you for a price, for I will not offer burnt offerings to the Lord my God which cost me nothing.” So David bought the threshing floor and the oxen for fifty shekels of silver.
25 At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. Sa gayo'y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain, at ang salot ay tumigil sa Israel.
25 David built there an altar to the Lord and offered burnt offerings and peace offerings. Thus the Lord was moved by prayer for the land, and the plague was held back from Israel.