Awit 108:8

Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro.

Genesis 49:10

Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa.

Deuteronomio 33:17

Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan; At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro: Siya niyang ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa: At sila ang laksa-laksa ng Ephraim, At sila ang libolibo ng Manases.

Josue 13:8-11

Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;

1 Samuel 28:4

At nagpipisan ang mga Filisteo, at naparoon at humantong sa Sunam: at pinisan ni Saul ang buong Israel, at sila'y humantong sa Gilboa.

2 Samuel 2:8

Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim;

2 Samuel 5:5

Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.

Awit 122:5

Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag