Awit 58:4

Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;

Awit 140:3

Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)

Mangangaral 10:11

Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.

Deuteronomio 32:33

Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon, At mabagsik na kamandag ng mga ahas.

Job 20:14

Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.

Job 20:16

Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.

Isaias 11:8

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Jeremias 8:17

Sapagka't, narito, ako'y magsusugo ng mga ahas, ng mga ulupong sa gitna ninyo, na hindi maeenkanto, at kakagatin nila kayo, sabi ng Panginoon.

Mateo 3:7

Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?

Mateo 23:33

Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?

Mga Taga-Roma 3:13

Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:

Santiago 3:8

Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag