Awit 73:22

Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.

Awit 92:6

Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang.

Mangangaral 3:18

Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang.

Awit 49:10

Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.

Job 18:3

Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin?

Awit 32:9

Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.

Awit 69:5

Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.

Kawikaan 30:2

Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, at walang kaunawaan ng isang tao:

Isaias 1:3

Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag