Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama.
New American Standard Bible
and the meaning of the ten horns that were on its head and the other horn which came up, and before which three of them fell, namely, that horn which had eyes and a mouth uttering great boasts and which was larger in appearance than its associates.
Mga Halintulad
Daniel 7:8
Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay.
Daniel 7:11
Ako'y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay; ako'y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay, at ang kaniyang katawan ay nagiba, at siya'y nabigay upang sunugin sa apoy.
Daniel 7:23
Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin.
Daniel 8:9-11
At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain.
Daniel 11:36-37
At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
19 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi; 20 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama. 21 Ako'y tumingin, at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila;