Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi;

New American Standard Bible

"Then I desired to know the exact meaning of the fourth beast, which was different from all the others, exceedingly dreadful, with its teeth of iron and its claws of bronze, and which devoured, crushed and trampled down the remainder with its feet,

Mga Halintulad

Daniel 7:7

Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay.

Daniel 2:40-43

At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man. 19 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi; 20 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org