Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon.

New American Standard Bible

"You shall tear down their altars and smash their sacred pillars and burn their Asherim with fire, and you shall cut down the engraved images of their gods and obliterate their name from that place.

Mga Halintulad

Mga Bilang 33:52

Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:

Mga Hukom 2:2

At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?

Zacarias 13:2

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila'y hindi na mangaaalaala pa; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain.

Exodo 23:13

At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig.

Awit 16:4

Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi.

Deuteronomio 7:5

Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.

1 Mga Hari 15:13

At si Maacha naman na kaniyang ina ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't gumawa ng karumaldumal na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at sinunog sa batis Cedron.

2 Mga Hari 18:4

Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan.

2 Mga Hari 23:14

At kaniyang pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at pinutol ang mga Asera, at pinuno ang kanilang mga dako ng mga buto ng tao.

2 Paralipomeno 14:3

Sapagka't kaniyang inalis ang mga dambana ng iba, at ang mga mataas na dako, at pinagputolputol ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera,

2 Paralipomeno 19:3

Gayon ma'y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.

2 Paralipomeno 31:1

Nang matapos nga ang lahat ng ito, ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda, at pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at ibinuwal ang mga Asera, at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin, sa Ephraim man at sa Manases, hanggang sa kanilang naigibang lahat. Nang magkagayo'y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik, bawa't isa'y sa kaniyang pag-aari, sa kanilang sariling mga bayan.

2 Paralipomeno 34:3

Sapagka't sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, samantalang siya'y bata pa, kaniyang pinasimulang hinanap ang Dios ni David na kaniyang magulang: at sa ikalabing dalawang taon ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako, at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo.

Jeremias 17:2

Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang kanilang mga Asera sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.

Hosea 2:17

Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan.

Mikas 5:14

At aking bubunutin ang iyong mga Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.

Pahayag 13:1

At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

2 Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa: 3 At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon. 4 Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org