44 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkawasak ng mga Gawa ni Satanas
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote;
Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
At sisirain ko ang inyong matataas na dako, at aking wawasakin ang inyong mga larawang araw, at itatapon ko ang inyong mga bangkay sa mga katawan ng inyong mga diosdiosan; at kapopootan kayo ng aking kaluluwa.
At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako. At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto.
Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.
At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak.
Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa:
Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.
Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.
At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon.
Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala.
At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?
At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang Asera na nasa siping niyaon.
At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan.
Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala.
Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at igigiba ang iyong mga mataas na dako, at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad.
At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam.
Ang mataas na dako naman ng Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
Na nagsasabi, Anong pakialam namin sa iyo, Jesus ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y puksain? Nakikilala kita kung sino ka, ang Banal ng Dios.
Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.
At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;
Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.
Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.
Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.
At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.
At aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.
At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. At ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon.
Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan.
At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon, sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron, at sinunog sa batis ng Cedron, at dinurog, at inihagis ang nangadurog niyaon sa libingan ng karaniwang mga tao. At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera. At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda, at nilapastangan ang mga mataas na dako, sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote, mula sa Geba hanggang sa Beerseba; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue, na tagapamahala ng bayan, na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan.magbasa pa.
Gayon ma'y ang mga saserdote sa mga mataas na dako ay hindi sumampa sa dambana ng Panginoon sa Jerusalem, kundi sila'y nagsikain ng tinapay na walang lebadura sa gitna ng kanilang mga kapatid. At kaniyang nilapastangan ang Topheth, na nasa libis ng mga anak ni Hinnom, upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalake o babae sa apoy kay Moloch. At kaniyang inalis ang mga kabayo na ibinigay ng hari ng Juda sa araw, sa pasukan ng bahay ng Panginoon, sa siping ng silid ni Nathan-melech na kamarero, na nasa looban; at sinunog niya sa apoy ang mga karo ng araw. At ang mga dambana na nangasa bubungan ng silid sa itaas ni Achaz, na ginawa ng mga hari sa Juda, at ang mga dambana na ginawa ni Manases sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon ay ipinagbabagsak ng hari, at pinaggigiba mula roon, at inihagis ang alabok ng mga yaon sa batis ng Cedron. At ang mga mataas na dako na nangasa harap ng Jerusalem, na nasa kanan ng bundok ng kapahamakan, na itinayo ng haring Salomon kay Asthareth na karumaldumal ng mga Sidonio, at kay Chemos na karumaldumal ng Moab, at sa kay Milcom na karumaldumal ng mga anak ni Ammon, ay nilapastangan ng hari. At kaniyang pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at pinutol ang mga Asera, at pinuno ang kanilang mga dako ng mga buto ng tao. Bukod dito'y ang dambana na nasa Bethel at ang mataas na dako na ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nabat, na nakapagkasala sa Israel, sa makatuwid baga'y ang dambanang yaon at ang mataas na dako ay kaniyang ibinagsak; at kaniyang sinunog ang mataas na dako at dinurog, at sinunog ang mga Asera. At pagpihit ni Josias, ay kaniyang natanawan ang mga libingan na nangasa bundok; at siya'y nagsugo, at kinuha ang mga buto sa mga libingan, at sinunog sa dambana, at dinumhan, ayon sa salita ng Panginoon na itinanyag ng lalake ng Dios, na siyang nagtanyag ng mga bagay na ito. Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Anong monumento yaong aking nakikita? At isinaysay ng mga lalake ng bayan sa kaniya, Yao'y libingan ng lalake ng Dios, na nanggaling sa Juda, at itinanyag ang mga bagay na ito na iyong ginawa laban sa dambana sa Beth-el. At kaniyang sinabi, Bayaan ninyo; huwag galawin ng sinoman ang mga buto niya. Sa gayo'y binayaan nila ang mga buto niya, na kasama ng mga buto ng propeta na nanggaling sa Samaria. At ang lahat na bahay naman sa mga mataas na dako na nangasa bayan ng Samaria, na ginawa ng mga hari sa Israel upang mungkahiin ang Panginoon sa galit, ay pinagaalis ni Josias, at ginawa sa mga yaon ang ayon sa lahat na gawa na kaniyang ginawa sa Beth-el. At kaniyang pinatay ang lahat na saserdote sa mga mataas na dako na nangandoon, sa ibabaw ng mga dambana, at sinunog ang mga buto ng mga tao sa mga yaon; at siya'y bumalik sa Jerusalem.
At si Maacha naman na kaniyang ina ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't gumawa ng karumaldumal na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at sinunog sa batis Cedron.
Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan, At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig: At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway, At sinabi, Lansagin mo.
At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak, at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana.
Sapagka't kaniyang inalis ang mga dambana ng iba, at ang mga mataas na dako, at pinagputolputol ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera,
At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, at ang hula ni Obed na propeta, siya'y lumakas, at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa harap ng portiko ng Panginoon.
Nang matapos nga ang lahat ng ito, ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda, at pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at ibinuwal ang mga Asera, at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin, sa Ephraim man at sa Manases, hanggang sa kanilang naigibang lahat. Nang magkagayo'y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik, bawa't isa'y sa kaniyang pag-aari, sa kanilang sariling mga bayan.
At kaniyang inalis ang mga dios ng iba, at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis ang mga yaon mula sa bayan.
Sapagka't sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, samantalang siya'y bata pa, kaniyang pinasimulang hinanap ang Dios ni David na kaniyang magulang: at sa ikalabing dalawang taon ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako, at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo. At kanilang ibinagsak ang mga dambana ng mga Baal sa kaniyang harapan; at ang mga larawang araw na nasa ibabaw nila, ay kaniyang ibinagsak; at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo, ay kaniyang pinagputolputol, at dinurog, at isinabog sa mga libingan ng nangaghain sa kanila. At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana, at nilinis ang Juda at ang Jerusalem.magbasa pa.
At gayon ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases at Ephraim at Simeon, hanggang sa Nephtali, sa kanilang mga guho sa palibot. At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem.
At si Maacha naman na ina ni Asa na hari, ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't siya'y gumawa ng nakasusuklam na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at ginawang alabok, at sinunog sa batis ng Cedron.
At sila'y nagsitindig at inalis ang mga dambana na nangasa Jerusalem, at ang lahat na dambana na ukol sa kamangyan ay inalis nila, at kanilang inihagis sa batis ng Cedron.