Deuteronomio 19:6

Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagka't ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagka't hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan.

Mga Bilang 35:12

At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan.

Deuteronomio 21:22

Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy;

Josue 20:5

At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una.

2 Samuel 14:7

At, narito, ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod, at sila'y nagsabi, Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid, upang siya'y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay, at sa gayo'y iwasak namin ang tagapagmana naman; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa.

Jeremias 26:15-16

Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag