Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.
New American Standard Bible
"The LORD will fight for you while you keep silent."
Mga Paksa
Mga Halintulad
Exodo 14:25
At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.
Deuteronomio 1:30
Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata;
Deuteronomio 3:22
Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
2 Paralipomeno 20:29
At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
Isaias 30:15
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig.
Exodo 15:3
Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan.
Josue 23:3
At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
Nehemias 4:20
Sa anomang dako na inyong marinig ang tunog ng pakakak, ay makipisan kayo sa amin; ipakikipaglaban tayo ng ating Dios.
Deuteronomio 20:4
Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo, upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, upang kayo'y iligtas.
Josue 10:14
At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
Josue 10:42
At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Josue 10:10
At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.
Josue 23:10
Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo.
Mga Hukom 5:20
Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit, Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
2 Paralipomeno 20:17
Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.
Awit 50:3
Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
Awit 83:1
Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Isaias 31:4-5
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
13 At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man. 14 Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik. 15 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.