53 Talata sa Bibliya tungkol sa Kapayapaan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:
Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.
Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
At sinabi ng saserdote sa kanila, Yumaon kayong payapa: nasa harap ng Panginoon ang daang inyong nilalakaran.
Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.
Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
Biyaya at kapayapaan ang sa inyo'y dumami sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;
Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.
At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, Kapayapaan nawa sa bahay na ito.
Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.
At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;
Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.
At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, at walang katatakutan kayo: at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.
Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
Mga Paksa sa Kapayapaan
Diyos na Gumagawa ng Kapayapaan
Awit 46:9Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
Diyos ng Kapayapaan
Mga Hukom 6:24Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa Ophra pa ng mga Abiezerita.
Espirituwal na Kapayapaan
Mga Taga-Roma 15:33Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Hanapin ang Kapayapaan
Awit 34:14Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
Kapayapaan at Kaaliwan
2 Tesalonica 3:16Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.
Kapayapaan at Kaligtasan
1 Tesalonica 5:3Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
Kapayapaan at Lakas
Awit 29:11Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Kapayapaan bilang Bunga ng Espiritu
Mga Taga-Galacia 5:22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kapayapaan mula sa Diyos
Awit 147:14Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
Kapayapaan ng Isipan
Isaias 26:3Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
Kapayapaan para sa Masama
Awit 28:3Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
Kapayapaan sa Bagong Tipan, MakaDiyos na
Mga Taga-Roma 5:1Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;
Kapayapaan sa Iyo
Juan 14:27Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
Kapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos na
Genesis 2:16-17At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan:
Kapayapaan sa Pamumuhay Kristyano
Zacarias 8:19Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan.
Kapayapaan, Bunga ng
Santiago 3:17Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.
Kapayapaan, Handog sa
Levitico 7:11At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na ihahandog sa Panginoon:
Kapayapaan, Ipinangakong
Isaias 66:12Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.
Kapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya sa
Awit 41:1-3Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
Kapayapaan, Paghahanap ng Tao sa
Genesis 5:28-29At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake:
Kapayapaan, Pangwawasak ng Tao sa
Isaias 57:21Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama.
Masaganang Kapayapaan
Jeremias 33:6Narito, ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan.
Milenyal na Kaharian, Pangkalahatang Kapayapaan at Pagpapala
Awit 46:8-9Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon, kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
Panahon ng Kapayapaan
Awit 147:14Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
Walang Kapayapaan
Genesis 37:4At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Matuwid ay Nagtatagumpay
- Bagabag at Kabigatan
- Biyaya
- Biyaya ay Sumaiyo Nawa
- Buhay na Buhay
- Daan sa Diyos
- Diyos ng Kapayapaan
- Espirituwal na Kapayapaan
- Hanapin ang Kapayapaan
- Hinahanap ang Mabuti
- Hindi Diyos ng Kaguluhan
- Isang Iglesia
- Jerusalem
- Kaganapan ng Tao
- Kalakasan ng Loob sa Buhay
- Kaligtasan, Katangian ng
- Kapahingahan
- Kapahingahan, Espirituwal na
- Kapahingahan, Kawalang
- Kapahingahan, Pisikal na
- Kapayapaan at Kaaliwan
- Kapayapaan at Lakas
- Kapayapaan bilang Bunga ng Espiritu
- Kapayapaan ng Isipan
- Kapayapaan sa Iyo
- Kapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos na
- Kapayapaan sa Pamumuhay Kristyano
- Kapayapaan, Karanasan ng Mananampalataya sa
- Kapayapaan, Paghahanap ng Tao sa
- Kapayapaang Ginawa sa Pamamagitan ni Cristo
- Kariwasahan
- Katahimikan
- Makatulog, Hindi
- Mapagpasalamat sa Iba
- Mapayapa, Pagiging
- Nagbibigay Kaaliwan
- Nagpupunyagi
- Naipanumbalik kay Jesu-Cristo
- Nananatiling Positibo
- Natutulog ng Payapa
- Pagasa
- Pagasa at Pananampalataya
- Pagbulusok
- Pagdidisipulo, Pakinabang ng
- Paghahanap sa Kapakanan
- Paghihiganti at Ganti
- Paghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing may
- Pagiging Mapagpasalamat sa Pagpapala
- Pagiingat sa Iyong Pamilya
- Pagkabahala, Gamot sa
- Pagkabalisa
- Pagkagambala
- Pagkakaisa ng Bayan ng Diyos
- Pagkakaroon ng Pananampalataya
- Pagkakasundo
- Pagkatalo
- Pagmamahal sa mga Bagay ng Diyos
- Pagpapala at Kaunlaran
- Pagsisikap
- Pagtatalo, Sagot sa
- Pagtulog, Pisikal na
- Pakikipagkasundo ng Sanlibutan sa Diyos
- Pakikipagkasundo sa Kaaway
- Pamana
- Pananalangin para sa Kapakanan ng Iba
- Pananampalataya at Tiwala
- Pananampalataya sa Diyos
- Pananampalataya, Kinakailangan ang
- Pangamba
- Positibong Pananaw
- Relasyon
- Satanas
- Tagapayapa
- Tumutupad na Pananampalataya
- Umuunlad
- Walang Kapayapaan