Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Anim na araw na inyong pupulutin; datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath, hindi magkakaroon.
New American Standard Bible
"Six days you shall gather it, but on the seventh day, the sabbath, there will be none."
Mga Paksa
Mga Halintulad
Exodo 20:9-11
Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.
Deuteronomio 5:13
Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain:
Ezekiel 46:1
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan.
Lucas 13:14
At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagka't si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga tao'y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo'y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
25 At sinabi ni Moises, Kanin ninyo yaon ngayon; sapagka't ngayo'y sabbath na ipinangingilin sa Panginoon: ngayo'y hindi kayo makakasumpong sa parang. 26 Anim na araw na inyong pupulutin; datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath, hindi magkakaroon. 27 At nangyari sa ikapitong araw, na lumabas ang iba sa bayan upang mamulot, at walang nasumpungan.