51 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagtitipon
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.
At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.
Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, ay mga ito nga ang aking mga takdang kapistahan.
At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.
Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan.
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, at ang mga kasuutan, at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura: At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.magbasa pa.
At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. At sinabi ni Moises sa kapisanan, Ito ang ipinagawa ng Panginoon.
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak; yari sa pamukpok gagawin mo: at iyong gagamitin sa pagtawag sa kapisanan, at sa paglalakbay ng mga kampamento. At pagka kanilang hihipan, ay magpipisan sa iyo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.magbasa pa.
At kung kanilang hihipan ang isa lamang, ang mga prinsipe nga, ang mga pangulo sa mga libolibong taga Israel, ay magpipisan sa iyo. At paghihip ninyo ng hudyat, ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong silanganan. At paghihip ninyo ng hudyat na ikalawa, ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong timugan: sila'y hihihip ng isang hudyat para sa kanilang paglalakbay. Datapuwa't pagka ang kapisanan ay magpipisan ay hihihip kayo, nguni't huwag ninyong patutunuging ayon sa hudyat.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento. At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Lumayo kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali. At sila'y nagpatirapa. At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na. At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya'y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan.
At sinabi ni Samuel, Pisanin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at idadalangin ko kayo sa Panginoon.
At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit:
At pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.
At ang buong kapisanan ay sumamba, at ang mga mangaawit ay nagsiawit, at ang mga manghihihip ng pakakak ay nangagpatunog; lahat ng ito ay ipinagpatuloy hanggang sa ang handog na susunugin ay natapos.
At nang dumating ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan, ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem.
Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman. Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.
Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.
At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan, sa makatuwid baga'y ng lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan ng bayan ng Dios, na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak.
Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan, at humantong sa Galaad. At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan, at humantong sa Mizpa.
At sila'y nagtitipon sa Mizpa, at nagsiigib ng tubig, at ibinuhos sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon, at nangagsabi, Kami ay nangagkasala laban sa Panginoon. At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa.
At ang mga Filisteo ay nagpupulong upang lumaban sa Israel, tatlong pung libong karo, at anim na libong mangangabayo, at ang bayan na gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan: at sila'y umahon at humantong sa Michmas sa dakong silanganan ng Beth-aven.
At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel, at nagsihantong sa libis ng Ela, at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga Filisteo.
At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo. At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.
At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
Sapagka't unauna'y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.
Kung ang buong iglesia nga'y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika, at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya, hindi baga nila sasabihing kayo'y mga ulol?
Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
Datapuwa't kung may inuusig kayo sa ano pa mang ibang mga bagay, ay mahahatulan sa karaniwang kapulungan.
At ang iba nga'y sumisigaw ng isang bagay, at ang iba'y iba naman: sapagka't ang pulong ay nasa kaguluhan; at hindi maalaman ng karamihan kung bakit sila'y nangagkatipon.
At nang masabi na niya ang gayon, nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at sa mga Saduceo; at nagkabahabahagi ang kapulungan.
Mga Paksa sa Pagtitipon
Ang Pagtitipon ng mga Matatanda
Exodo 3:16Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto.
Iglesia, Pagtitipon sa
Mateo 18:20Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.
Nauupo sa Pagtitipon
Exodo 32:6At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.
Pagtitipon
1 Corinto 11:33Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
Pagtitipon
Mateo 18:20Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.
Pagtitipon ng Israel
Exodo 35:1At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.
Pagtitipon ng Marami
Exodo 16:17At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti.
Pagtitipon ng mga Kaibigan
Genesis 29:22At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon at siya'y gumawa ng isang piging.
Pagtitipon ng mga Nilalang
Genesis 29:7At sinabi niya, Narito, maaga pa, ni hindi oras tipunin ang mga hayop: painumin ninyo ang mga tupa, at inyo silang pasabsabin.
Pagtitipon ng mga Pinuno
Exodo 3:16Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto.
Pagtitipon ng Pagkain
Kawikaan 10:5Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
Pagtitipon sa Ibang mga Bansa
Ezekiel 29:13Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;
Pagtitipon sa mga Israelita
1 Paralipomeno 16:35At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan.
Pagtitipon sa Pasukang Daanan
Mga Bilang 20:6At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.
Panalangin, Pagtitipon sa
Mateo 18:19Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
Sa Pagtitipon
Mga Hebreo 2:12Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.