Exodo 6:23

At nagasawa si Aaron kay Elisabeth, na anak ni Aminadab, na kapatid ni Naason; at ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

Ruth 4:19-20

At naging anak ni Hesron si Ram, at naging anak ni Ram si Aminadab;

Mga Bilang 1:7

Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.

Mga Bilang 2:3

At yaong tatayo sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang mga sa watawat ng kampamento ng Juda, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.

1 Paralipomeno 2:10

At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda;

1 Paralipomeno 6:3

At ang mga anak ni Amram: si Aaron, at si Moises, at si Mariam. At ang mga anak ni Aaron: si Nadab, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Mateo 1:4

At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon;

Exodo 24:1

At kaniyang sinabi kay Moises, Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon, ikaw, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitong pu ng mga matanda sa Israel; at sumamba kayo mula sa malayo:

Exodo 24:9

Nang magkagayo'y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel:

Levitico 10:1-2

At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa't isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila'y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila.

Mga Bilang 3:2-4

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Mga Bilang 20:25

Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor.

Mga Bilang 26:60-61

At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

1 Paralipomeno 24:1-2

At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

Lucas 1:5

Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag