Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan;

New American Standard Bible

therefore prophesy and say, 'Thus says the Lord GOD, "For good reason they have made you desolate and crushed you from every side, that you would become a possession of the rest of the nations and you have been taken up in the talk and the whispering of the people."'"

Mga Halintulad

Awit 44:13-14

Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.

Jeremias 18:16

Upang gawin ang kanilang lupain na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo.

Panaghoy 2:15-16

Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo; sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi, Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?

Levitico 26:43

Ang lupain naman ay pababayaan nila, at magagalak sa kaniyang mga sabbath, samantalang nahahandusay na sira na wala sila; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan: sapagka't kanilang tinanggihan ang aking mga hatol, at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan.

Deuteronomio 28:37

At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.

1 Mga Hari 9:7-8

Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan:

Job 30:1-10

Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.

Awit 35:15-16

Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;

Awit 35:25

Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya.

Awit 61:1

Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin.

Awit 69:12

Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.

Awit 79:10

Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ang kanilang Dios? Ang kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.

Kawikaan 1:12

Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;

Jeremias 24:9

Akin silang pababayaan upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila.

Jeremias 33:24

Hindi mo baga napupuna ang sinasalita ng bayang ito, na nagsasabi, Ang dalawang angkan na pinili ng Panginoon, ay kaniyang mga itinakuwil? ganito nila hinahamak ang aking bayan, upang huwag ng maging bansa sa harap nila.

Jeremias 39:1-18

At nangyari nang masakop ang Jerusalem, (nang ikasiyam na taon ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikasangpung buwan, dumating si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang kaniyang buong hukbo laban sa Jerusalem, at kinubkob;

Jeremias 41:1-18

Nangyari nga, nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nethanias, na anak ni Elisama, na lahing hari, at isa sa mga punong oficial ng hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay nagsiparoon kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa; at doo'y magkasama silang nagsikain ng tinapay sa Mizpa.

Jeremias 51:34

Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, kaniyang pinisa ako, kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman, ako'y sinakmal niyang parang buwaya, kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain; kaniyang itinakuwil ako.

Jeremias 52:1-5

Si Sedechias ay dalawang pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal, na anak ni Jeremias na taga Libna.

Panaghoy 2:2

Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.

Panaghoy 2:5

Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.

Ezekiel 13:10

Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa:

Daniel 9:16

Oh Panginoon, ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin.

Mateo 27:39-44

At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,

1 Corinto 4:13

Bagama't mga sinisiraangpuri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

2 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi ng kaaway sa inyo, Aha! at, Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari; 3 Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan; 4 Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org