Ezekiel 39:1

At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:

Ezekiel 38:2-3

Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,

Ezekiel 35:3

At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir, at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan.

Nahum 2:13

Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.

Nahum 3:5

Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag