Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito.
New American Standard Bible
"But there are many people; it is the rainy season and we are not able to stand in the open. Nor can the task be done in one or two days, for we have transgressed greatly in this matter.
Mga Halintulad
Ezra 10:18-44
At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias.
Mateo 7:13-14
Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
12 Nang magkagayo'y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas, Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat naming gawin. 13 Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito. 14 Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos.