Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos.
New American Standard Bible
"Let our leaders represent the whole assembly and let all those in our cities who have married foreign wives come at appointed times, together with the elders and judges of each city, until the fierce anger of our God on account of this matter is turned away from us."
Mga Halintulad
2 Paralipomeno 29:10
Nasa akin ngang puso na makipagtipan sa Panginoon, sa Dios ng Israel, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa atin.
2 Paralipomeno 30:8
Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.
Mga Bilang 25:4
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.
Deuteronomio 13:17
At huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang;
Deuteronomio 17:9
At ikaw ay paroroon sa mga saserdote na mga Levita, at sa magiging hukom sa mga araw na yaon: at iyong sisiyasatin; at kanilang ipakikilala sa iyo ang hatol ng kahatulan.
Deuteronomio 17:18-19
At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga saserdote na mga Levita:
Josue 7:26
At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis ng Achor, hanggang sa araw na ito.
2 Paralipomeno 19:5-7
At siya'y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan.
Awit 78:38
Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
Isaias 12:1
At sa araw na yaon ay iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
13 Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito. 14 Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos. 15 Si Jonathan lamang na anak ni Asael, at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito: at si Mesullam, at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila.