Ezra 6:1

Nang magkagayo'y si Dario, na hari ay gumawa ng pasiya, at ang pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat, na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia.

Ezra 5:17

Ngayon nga, kung inaakalang mabuti ng hari, magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari, na nandiyan sa Babilonia, kung gayon nga, na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem, at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito.

Ezra 4:15

Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo'y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila'y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito.

Ezra 4:19

At ako'y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon.

Job 29:16

Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.

Awit 40:7

Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin:

Kawikaan 25:2

Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.

Jeremias 36:2-4

Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito.

Jeremias 36:20-23

At kanilang pinasok ang hari sa looban; nguni't kanilang inilagay ang balumbon sa silid ni Elisama na kalihim; at kanilang isinaysay ang lahat na salita sa mga pakinig ng hari.

Jeremias 36:29

At tungkol kay Joacim na hari sa Juda ay iyong sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong sinunog ang balumbon na ito, na iyong sinasabi, Bakit mo isinulat doon, na sinasabi, Tunay na ang hari sa Babilonia ay paririto at sisirain ang lupaing ito, at papaglilikatin dito ang tao at ang hayop?

Jeremias 36:32

Nang magkagayo'y kumuha si Jeremias ng ibang balumbon, at ibinigay kay Baruch na kalihim, na anak ni Nerias, na sumulat doon ng mula sa bibig ni Jeremias ng lahat ng mga salita ng aklat na sinunog sa apoy ni Joacim na hari sa Juda; at nagdagdag pa sa mga yaon ng maraming gayong salita.

Ezekiel 2:9

At nang ako'y tumingin, narito, isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon ay nandoon;

Ezekiel 3:1

At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.

Pahayag 5:1

At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag