Genesis 10:25
At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
1 Paralipomeno 1:19
At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
Genesis 10:21
At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet.
Genesis 10:32
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.
Genesis 11:16-19
At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:
Deuteronomio 32:8
Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
Lucas 3:35-36
Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,
Mga Gawa 17:26
At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan;
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag