Genesis 33:20
At siya'y nagtindig doon ng isang dambana, at tinawag niyang El-Elohe-Israel.
Genesis 8:20
At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.
Genesis 12:7-8
At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
Genesis 13:18
At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
Genesis 21:33
At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan.
Genesis 32:28
At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.
Genesis 35:7
At siya'y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el; sapagka't ang Dios ay napakita sa kaniya roon, nang siya'y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag