Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob, at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko.
New American Standard Bible
"Ask me ever so much bridal payment and gift, and I will give according as you say to me; but give me the girl in marriage."
Mga Halintulad
Exodo 22:16-17
At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.
Genesis 24:53
At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina.
Genesis 29:18
At sininta ni Jacob si Raquel; at kaniyang sinabi, Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso.
Genesis 31:41
Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu.
Deuteronomio 22:28-29
Kung masumpungan ng isang lalake ang isang dalagang donselya na hindi pa naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya, at sila'y masumpungan;
1 Samuel 18:25-27
At sinabi ni Saul, Ganito ang inyong sasabihin kay David: Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya, kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo, upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari. Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo.
2 Samuel 3:14
At nagsugo ng mga sugo si David kay Is-boseth na anak ni Saul, na sinasabi, Isauli mo sa akin ang aking asawa na si Michal, na siyang aking pinakasalan sa halaga na isang daang balat ng masama ng mga Filisteo.
Hosea 3:2
Sa gayo'y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak, at ng isang homer na cebada, at ng kalahating homer na cebada;
Mateo 14:17
At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
11 At sinabi ni Sichem sa ama ni Dina, at sa mga kapatid niya, Makasundo nawa ako ng biyaya sa inyong mga mata at ang sabihin ninyo sa akin ay aking ibibigay. 12 Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob, at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko. 13 At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama, at sila'y nagsalitaan, sapagka't kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid.