Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda.

New American Standard Bible

He drank of the wine and became drunk, and uncovered himself inside his tent.

Mga Halintulad

Kawikaan 20:1

Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.

Genesis 6:9

Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios.

Genesis 19:32-36

Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

Kawikaan 23:31-32

Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,

Mangangaral 7:20

Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.

Habacuc 2:15-16

Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa, na idinadagdag mo ang iyong kamandag, at nilalasing mo rin naman siya, upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran!

Lucas 22:3-4

At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.

Mga Taga-Roma 13:13

Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

1 Corinto 10:12

Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

Mga Taga-Galacia 5:21

Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

Tito 2:2

Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, mahusay, mahinahon ang pagiisip, magagaling sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:

Pahayag 3:18

Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

20 At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan. 21 At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda. 22 At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org