10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagkalasenggo, Kahihinatnan ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 23:29-30

Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.

Isaias 28:7

Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.

Isaias 5:12

At ang alpa at ang viola, ang pandareta at ang plauta, at ang alak, ay nangasa kanilang mga kapistahan: nguni't hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon, o ginunita man nila ang gawa ng kaniyang mga kamay.

Hosea 7:5

Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.

Genesis 9:21-22

At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda. At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.

Never miss a post

n/a