Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!

New American Standard Bible

Though they bring up their children, Yet I will bereave them until not a man is left. Yes, woe to them indeed when I depart from them!

Mga Halintulad

Hosea 7:13

Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.

Deuteronomio 31:17

Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin?

1 Samuel 28:15-16

At sinabi ni Samuel kay Saul, Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon? At sumagot si Saul, Ako'y totoong naliligalig; sapagka't ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin, at ang Dios ay humiwalay sa akin, at hindi na ako sinasagot, kahit sa pamamagitan ng mga propeta, ni ng panaginip man: kaya tinawag kita, upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin.

Mga Bilang 26:65

Sapagka't sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila, Sila'y mamamatay na walang pagsala sa ilang. At walang natira kahi't isang tao sa kanila, liban kay Caleb na anak ni Jephone, at kay Josue na anak ni Nun.

Deuteronomio 28:32

Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa.

Deuteronomio 28:41-42

Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't sila'y yayaon sa pagkabihag.

Deuteronomio 32:25

Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.

Mga Hukom 4:16

Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi.

1 Samuel 16:14

Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya.

2 Mga Hari 17:18

Kaya't ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang.

2 Mga Hari 17:23

Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.

Job 27:14

Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.

Jeremias 15:7

At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad.

Jeremias 16:3-4

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito, at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila, at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito.

Panaghoy 2:20

Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito! Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay? Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?

Hosea 9:5-6

Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?

Hosea 9:13

Ang Ephraim, gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.

Hosea 9:16

Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

11 Tungkol sa Ephraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi. 12 Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila! 13 Ang Ephraim, gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org