Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.
New American Standard Bible
The bulrushes by the Nile, by the edge of the Nile And all the sown fields by the Nile Will become dry, be driven away, and be no more.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Isaias 23:3
At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; at siya'y naging pamilihan ng mga bansa.
Isaias 32:20
Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno.
Jeremias 14:4
Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.
Ezekiel 19:13
At ngayo'y natanim siya sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain.
Joel 1:17-18
Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
6 At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo. 7 Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala. 8 Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.