23 Talata sa Bibliya tungkol sa Aklat, Mga
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.
Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito.
Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.
Nang magkagayo'y tinawag ni Jeremias si Baruch na anak ni Nerias; at sinulat ni Baruch ang lahat ng salita ng Panginoon na mula sa bibig ni Jeremias, na sinalita niya sa kaniya, sa balumbon.
Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat! Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, datapuwa't hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat:
Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang;
At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.
At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain, at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi, at sila'y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo.
Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon, Ang Vaheb ay sa Sufa, At ang mga libis ng Arnon,
Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo'y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila'y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito.
At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.
Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia. At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito, At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man.magbasa pa.
At mangyayari, pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito, na iyong tatalian ng bato, at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates: At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.
Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;
At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos, Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi, Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo.
At tinaghuyan ni Jeremias si Josias: at ang lahat na mangaawit na lalake at babae ay nagsipanambitan tungkol kay Josias sa kanilang mga panaghoy, hanggang sa araw na ito; at sila'y nagsigawa ng alituntunin sa Israel; at, narito, nangasusulat sa mga panaghoy.