Isaias 7:12
Nguni't sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.
Deuteronomio 6:16
Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah.
2 Mga Hari 16:15
At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote, na sinasabi, Sa ibabaw ng malaking dambana, ay magsunog ka ng handog na susunugin sa umaga, at ng handog na harina sa hapon, at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin, at ang buong dugo ng hain: nguni't ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan.
2 Paralipomeno 28:22
At sa panahon ng kaniyang kagipitan ay lalo pa manding sumalangsang siya laban sa Panginoon, ang hari ring ito na si Achaz.
Ezekiel 33:31
At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.
Malakias 3:15
At ngayo'y ating tinatawag ang palalo na mapalad, oo, silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo; oo, kanilang tinutukso ang Dios, at tumatakas.
Mga Gawa 5:9
Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo'y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas.
1 Corinto 10:9
Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag