Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Kaya't ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

New American Standard Bible

"Therefore I will yet contend with you," declares the LORD, "And with your sons' sons I will contend.

Mga Paksa

Mga Halintulad

Ezekiel 20:35-36

At aking dadalhin kayo sa ilang ng mga bayan, at doo'y makikipagkatuwiranan ako sa inyo ng harapan.

Jeremias 2:35

Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.

Exodo 20:5

Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

Mikas 6:2

Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel.

Levitico 20:5

Ay itititig ko nga ang aking mukha laban sa taong yaon, at laban sa kaniyang sangbahayan, at ihihiwalay ko sa kanilang bayan, siya at lahat ng manalig na sumunod sa kaniya, na nanalig kay Moloch.

Isaias 3:13

Ang Panginoon ay tumayo upang magsanggalang, at tumayo upang humatol sa mga bayan.

Isaias 43:26

Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.

Jeremias 2:29

Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.

Hosea 2:2

Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso;

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

8 Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan. 9 Kaya't ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako. 10 Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org