Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Kumuha ka uli ng ibang balumbon, at sulatan mo ng lahat na dating salita na nasa unang balumbon na sinunog ni Joacim na hari sa Juda.

New American Standard Bible

"Take again another scroll and write on it all the former words that were on the first scroll which Jehoiakim the king of Judah burned.

Mga Halintulad

Zacarias 1:5-6

Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?

Job 23:13

Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa.

Jeremias 28:13-14

Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal.

Jeremias 44:28

At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila.

Mateo 24:35

Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

2 Timoteo 2:13

Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.

Kaalaman ng Taludtod

n/a