Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias

Jeremias Rango:

1001
Mga Konsepto ng TaludtodBangkay ng mga TaoTalaan ng mga Hari ng Israel

Ang hukay nga na pinagtapunan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga tao na kaniyang pinatay, sa siping ni Gedalias, (siya ring ginawa ni Asa na hari dahil sa takot kay Baasa na hari sa Israel), pinuno ni Ismael na anak ni Nethanias ng nangapatay.

1002
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaSundalo, MgaPagpatay sa mga Israelita

Pinatay rin naman ni Ismael ang lahat na Judio na kasama niya, na kasama ni Gedalias, sa Mizpa, at ang mga Caldeo na nangasumpungan doon, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking mangdidigma.

1003
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaTimbangan at Panukat, Tuwid naSukat ng mga HaligiKaluwaganGuwang, Pagkakaroon ngGuwang

At tungkol sa mga haligi, ang taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang.

1004
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saPambubulagIba, Pagkabulag ngTansong mga Posas

Bukod dito'y kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias, at inilagay siya sa pangawan, upang dalhin siya sa Babilonia.

1005
Mga Konsepto ng TaludtodKakutyaan, Katangian ngNanlilibakPagkawasak ng JerusalemSumisitsit

At gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon.

1006
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Pinalaya ng mga TaoPagpapalaya

Sila'y nangagsugo, at kinuha si Jeremias sa looban ng bantay, at kanilang ipinagbilin siya kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na kaniyang iuwi siya. Sa gayo'y tumahan siya sa gitna ng bayan.

1007
Mga Konsepto ng TaludtodMakalupang Hukbo

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain.

1008
Mga Konsepto ng TaludtodHabambuhayMinsan sa Isang ArawNutrisyon

At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia, bawa't araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan, lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

1009
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kahatulan ng Babilonya

Ang tabak ay nasa mga Caldeo, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan sa Babilonia, at sa kaniyang mga prinsipe, at sa kaniyang mga pantas.

1010
Mga Konsepto ng TaludtodNagpasuraysurayDiyos na Nagbigay Kalasingan

At sila'y magsisiinom, at magsisihapay na paroo't parito, na mangauulol, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila.

1011
Mga Konsepto ng TaludtodPakpakAgila

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, siya'y lilipad na parang aguila, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab.

1012
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungatPagsusukaDiyos na Nagbigay Kalasingan

Languhin ninyo siya; sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon: at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka, at siya man ay magiging kakutyaan.

1013
Mga Konsepto ng TaludtodDoktor, MgaPanghaplasGamotLangis na PampahidBirhenWalang KagalinganBirhen, Pagka

Sumampa ka sa Galaad, at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.

1014
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Pangwawasak ng Tao saPangako ng PagbabalikDiyos na Nagliligtas sa NangangailanganHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay Tutulong

Nguni't huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, ni manglupaypay ka, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.

1015

Ikaw ay yumaon, at magsalita kay Ebed-melec na taga Etiopia, na magsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang aking salita sa bayang ito sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at mangatutupad sa harap mo sa araw na yaon.

1016
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaKaritHindi NagtatanimHindi Inaani ang Iyong Itinanim

Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia, at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani: dahil sa takot sa mamimighating tabak ay babalik bawa't isa sa kaniyang bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

1017
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga PropetaDiyos na Hindi NagsusugoPropeta na Hindi Sinugo, Mga

Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.

1018
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPaglapastangan sa Pangalan ng Diyos

Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios.

1019
Mga Konsepto ng TaludtodYaong InaapiNililigaw ang mga BataPagpapalaya

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay napipighating magkasama; at lahat na nagsikuhang bihag sa kanila ay hinahawakang mahigpit sila; ayaw pawalan sila.

1020

Nang magkagayo'y kinuha ko si Jazanias na anak ni Jeremias, na anak ni Habassinias, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat niyang anak, at ang buong sangbahayan ng mga Rechabita;

1021
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaTakot sa TaoTakot sa Ibang mga TaoLaban sa Kapwa

At sinabi ni Sedechias na hari kay Jeremias, Ako'y natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo, baka ako'y ibigay nila sa kanilang kamay, at kanilang libakin ako.

1022
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanAng Sepela

Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon.

1023
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na mga SisidlanBanal na Sisidlan, MgaDalawang TaonTemplo, Inalis na mga Kagamitan sa

Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia:

1024
Mga Konsepto ng TaludtodParusang Kamatayan laban sa Bulaang Turo

Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.

1025
Mga Konsepto ng TaludtodNauupo

At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila, na kumain at uminom.

1026
Mga Konsepto ng TaludtodAtas na Paglilingkod sa PamahalaanEskribaSekretaryaPitong TaoAnimnapu

At sa bayan ay kinuha niya ang isang oficial na inilagay niya sa mga lalaking mangdidigma; at pitong lalake sa kanila na nangakakita ng mukha ng hari, na nasumpungan sa bayan; at ang kalihim ng kapitan ng hukbo, na pumipisan ng bayan ng lupain, at anim na pung katao sa bayan ng lupain, na nangasumpungan sa gitna ng bayan.

1027
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Halimbawa ngUgali ng Diyos sa mga Hangal

Ang tabak ay nasa mga hambog, at sila'y mangahahangal, ang tabak ay nasa kaniyang mga makapangyarihan, at sila'y manganglulupaypay.

1028

Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking laman ay mahulog nawa sa Babilonia, sasabihin ng taga Sion; at, Ang dugo ko ay mahulog nawa sa mga nananahan sa Caldea, sasabihin ng Jerusalem.

1029
Mga Konsepto ng TaludtodPugadKalapati, MgaYungibBatuhanYungib bilang Taguang Lugar

Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang.

1030

Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot, kayong lahat na nagsisiakma ng busog; hilagpusan ninyo siya, huwag kayong manganghinayang ng mga pana: sapagka't siya'y nagkasala laban sa Panginoon.

1031
Mga Konsepto ng TaludtodMagnilaynilay!Diyos, Espada ng

Oh ikaw na tabak ng Panginoon, hanggang kailan di ka tatahimik? pumasok ka sa iyong kalooban; ikaw ay magpahinga, at tumahimik.

1032
Mga Konsepto ng TaludtodTuntunin para sa Lalake at Babae

Na papaging layain ng bawa't isa ang kaniyang aliping lalake, at ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na Hebreo o Hebrea; na walang paglilingkuran sila, sa makatuwid baga'y ang Judio na kaniyang kapatid.

1033

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias pagkatapos na masunog ng hari ang balumbon, at ang mga salita na sinulat ni Baruch na mula sa bibig ni Jeremias, na nagsasabi:

1034
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Paghihirap ngAko ay Nagluluksa sa Malaking Sakuna

Kaya't aking tatangisan ang Moab; oo, ako'y hihiyaw dahil sa buong Moab: dahil sa mga tao ng Kir-heres ay magsisitangis sila.

1035
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusan

At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos, gaya ng sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa Beth-el na kanilang tiwala.

1036
Mga Konsepto ng TaludtodMula sa HilagaGaya ng BahaBaha, Mga

Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, tubig ay umaahon mula sa hilagaan, at magiging baha, at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon, ang bayan at ang nagsisitahan doon; at ang mga tao ay magsisihiyaw, at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis.

1037
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saBisigPamimili ng mga BagayMga Taong Pinalaya ng mga Tao

At ngayon, narito, aking kinakalagan ka sa araw na ito ng mga tanikala na nangasa iyong kamay. Kung inaakala mong mabuti na sumama sa akin sa Babilonia, halina, at lilingapin kitang mabuti; nguni't kung inaakala mong masama na sumama sa akin sa Babilonia, tanggihan mo; narito, ang buong lupain ay nasa harap mo, kung saan inaakala mong mabuti at marapat sa iyo na pumaroon, doon ka pumaroon.

1038
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosPakikipagkasundo ng Sanlibutan sa DiyosPuspusin ang mga BahayDiyos na Nagtatago

Sila'y nagsisidating upang magsilaban sa mga Caldeo, nguni't upang sila'y mangapuno ng mga bangkay ng mga tao, na aking pinatay sa aking galit at sa aking kapusukan, at dahil sa lahat ng kasamaang yaon ay ikinubli ko ang aking mukha sa bayang ito:

1039
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamay-aring Dinala sa BabilonyaKayamanan

Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat na kayamanan ng bayang ito, at ang lahat na pakinabang nito, at ang lahat na mahalagang bagay nito, oo, ang lahat na kayamanan ng mga hari sa Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway; na magsisisamsam sa kanila, at magsisihuli sa kanila, at mangagdadala sa kanila sa Babilonia.

1040
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bibiguin sila ng

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin,

1041
Mga Konsepto ng TaludtodSaksi, Naayon sa Batas na mga

At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, iyong bilhin ng salapi ang parang, at ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.

1042
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aaring Lupa

Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas:

1043
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanTanggulang Gawa ng DiyosBalon, MgaDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayDiyos na NagtatanggolBalon, Talinghagang Gamit ngTaggutomPaghihiganti

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ipakikipaglaban ang iyong usap, at igaganti kita; at aking tutuyuin ang kaniyang dagat, at gagawin ko siyang bukal na tuyo.

1044
Mga Konsepto ng TaludtodYungibYungib bilang Taguang Lugar

Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya.

1045
Mga Konsepto ng TaludtodTanda at Kababalaghan Bago Dumating si Cristo

Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao; at magtaglay ka ng pangalan, gaya sa araw na ito;

1046

At ang lahat ng hari sa Zimri, at ang lahat ng hari sa Elam, at ang lahat ng hari ng mga Medo;

1047
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Nakamamatay na

Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom.

1048
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng Jerusalem

Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha.

1049
Mga Konsepto ng TaludtodKayamananWalang BayadHangganan

Ang iyong pag-aari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga, at iya'y dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mo ngang hangganan.

1050
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngLingkod ng Panginoon

Akin ngang itatakuwil din ang binhi ni Jacob, at ni David na aking lingkod, na anopa't hindi ako kukuha ng kanilang binhi na maging mga puno sa binhi ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob: sapagka't aking ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag, at maaawa ako sa kanila.

1051
Mga Konsepto ng TaludtodSugo

Ako'y nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa gitna ng mga bansa, na sinasabi, Kayo'y magpipisan, at magsiparoon laban sa kaniya, at magsibangon sa pakikipagbaka.

1052
Mga Konsepto ng TaludtodNaglilingkod kay Aserah

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga panata.

1053

At ang kahatulan ay dumating sa lupaing patag, sa Holon, at sa Jahzah, at sa Mephaath,

1054
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan at Nakikita

Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Anong iyong nakikita, Jeremias? At aking sinabi, Mga igos; ang mga mabuting igos, totoong mabuti; at ang masasama, totoong masama na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.

1055
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga HariTakot sa mga Kaaway

Dahil sa mga Caldeo; sapagka't sila'y nangatakot sa kanila, sapagka't pinatay ni Ismael na anak ni Nethanias si Gedalias na anak ni Ahicam, na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia.

1056
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan ng mga MasamaWalang KagalinganLahat ay NagkasalaKasalanan ay Nagdudulot ng Pighati

Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.

1057
Mga Konsepto ng TaludtodIna at Anak na LalakePagiging InaAma at ang Kanyang mga Anak na Babae

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito, at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila, at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito.

1058
Mga Konsepto ng TaludtodUlanPagiimbakKidlatDiyos na Nagsusugo ng HanginDiyos, Kamalig ngDiyos na Kontrolado ang Ulan

Paglalakas niya ng kaniyang tinig, nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit, at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa: kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan, at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.

1059
Mga Konsepto ng TaludtodBalang, MgaMaraming Kaaway

Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili, na sinasabi, Tunay na pupunuin kita ng mga tao, na parang balang; at sila'y mangaglalakas ng hiyaw laban sa iyo.

1060
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanDiyos na Hindi NagpapabayaSalaIsrael

Sapagka't ang Israel ay hindi pinababayaan, o ang Juda man, ng kaniyang Dios, ng Panginoon ng mga hukbo; bagaman ang kanilang lupain ay puno ng sala laban sa Banal ng Israel.

1061
Mga Konsepto ng TaludtodKakutyaan, Katangian ngNanlilibakPanghahamakSumisitsitGinawang Katatakutan

At ang Edom ay magiging katigilan: bawa't nagdaraan ay matitigilan, at susutsot dahil sa lahat ng salot doon.

1062
Mga Konsepto ng TaludtodPlano, Mga

Magsitakas kayo, gumala kayo ng malayo, magsitahan kayo sa kalaliman, Oh kayong mga nananahan sa Hasor, sabi ng Panginoon; sapagka't kumuhang payo si Nabucodonosor na hari sa Babilonia laban sa inyo, at may ipinasiya laban sa inyo.

1063
Mga Konsepto ng TaludtodLuwadNananatili ng Mahabang Panahon

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw.

1064
Mga Konsepto ng TaludtodTaginitTaginit, Prutas sa

Tungkol sa akin, narito, ako'y tatahan sa Mizpa, upang tumayo sa harap ng mga Caldeo, na paririto sa atin: nguni't kayo, mangagpisan kayo ng alak at ng mga bunga sa taginit at ng langis, at inyong ilagay sa inyong mga sisidlan, at kayo'y magsitahan sa inyong mga bayan na inyong sinakop.

1065
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Labing DalawaHayop, Uri ng mgaDalawang Bahagi ng IpinapatayoLabing Dalawang Hayop

Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon, ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang.

1066
Mga Konsepto ng TaludtodMula sa Hilaga

Narito, isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.

1067
Mga Konsepto ng TaludtodAng Araw ng KahatulanDiyos na LabanDiyos na Laban sa mga Palalo

Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita.

1068
Mga Konsepto ng TaludtodLibingPagsusunog ng BangkaySeremonyaKamatayan ng mga MasamaTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

Ikaw ay mamamatay sa kapayapaan; at ayon sa pagsusunog ng kamangyan ng iyong mga magulang na mga unang hari na una sa iyo, gayon sila magsusunog para sa iyo; at kanilang tataghuyan ka, na magsasabi, Ah Panginoon! sapagka't aking sinalita ang salita, sabi ng Panginoon.

1069
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sinaktan sila ng

At kinuha si Jeremias ng kapitan ng bantay, at nagsabi sa kaniya, Ang Panginoon mong Dios ay nagbadya ng kasamaang ito sa dakong ito;

1070
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabilanggo

Sa gayo'y tumahan si Jeremias sa looban ng bantay hanggang sa araw na masakop ang Jerusalem.

1071
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang LamanAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanYaong mga Nangangalaga ng Kawan

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magkakaroon pa uli sa dakong ito, na sira, na walang tao at walang hayop, at sa lahat ng bayan nito, ng tahanan ng mga pastor na nagpapahiga ng kanilang kawan.

1072
Mga Konsepto ng TaludtodPaghinaPagiging Masama sapul PagkabataLahat ay Nagkasala

Sapagka't ang ginawa lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon.

1073
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Taon

At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad.

1074
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigPamamahinga, Taon ngTaon, MgaPagkakansela ng UtangAnim na TaonPitong TaonMga Taong Nagpapalaya sa mga AlipinMalayaPagpapalaya

Sa katapusan ng pitong taon ay payayaunin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapatid na Hebreo, na naipagbili sa iyo, at naglingkod sa iyo na anim na taon, at iyong palalayain sa iyo: nguni't ang iyong mga magulang ay hindi nakinig sa akin, o ikiniling man ang kanilang pakinig.

1075
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na PanukalaWalang Lamang mga Siyudad

At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap; sapagka't ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo, upang sirain ang lupain ng Babilonia, na nawalan ng mananahan.

1076
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Talagang PayapaHindi TahimikDiyos, Atas ng

Paanong ikaw ay matatahimik dangang binigyan ka ng Panginoon ng bilin? laban sa Ascalon, at laban sa baybayin ng dagat ay doon niya itinakda.

1077
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagpapalaya sa mga Alipin

At ngayo'y nanumbalik kayo, at nagsigawa ng matuwid sa aking mga mata sa pagtatanyag ng kalayaan ng bawa't tao sa kaniyang kapuwa; at kayo'y nakipagtipan sa harap ko sa bahay na tinawag sa aking pangalan:

1078
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng DiyosKaunawaanGalit ng Diyos, Kalikasan ngPahayag sa HinaharapWastong PagkakaunawaDiyos na Nagagalit

Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; sa mga huling araw ay iyong mauunawa.

1079
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigTumatangging MakinigYaong mga Bumangon ng UmagaPagsasagawa ng Paulit-ulit

Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.

1080

Ang Edom, at ang Moab, at ang mga anak ni Ammon;

1081

Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.

1082
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibBalutiPaghahandang PisikalKalasag, Sanggalang naPagsakay sa KabayoKalasag

Singkawan ninyo ang mga kabayo, at kayo'y magsisakay, kayong mga nangangabayo, at magsitayo kayong mga turbante; pakintabin ninyo ang mga sibat, at mangagsuot kayo ng sapyaw.

1083
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaNagtatahip

At ako'y magsusugo sa Babilonia ng mga taga ibang lupa na papalisin siya; at kanilang wawalaan ang kaniyang lupain: sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay magiging laban sila sa kaniya sa palibot.

1084
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayoPagbabasa ng KasulatanPribadong mga Silid

Sa gayo'y sinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang balumbon; at kaniyang kinuha sa silid ni Elisama na kalihim. At binasa ni Jehudi sa mga pakinig ng hari, at sa mga pakinig ng lahat na prinsipe na nangakatayo sa tabi ng hari.

1085
Mga Konsepto ng TaludtodSinusumpa ang Di-MatuwidDiyos, Ikagagalit ngGinawang Katatakutan

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito.

1086
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TaoPagtakas mula sa Taung-Bayan

Nguni't si Ismael na anak ni Nethanias ay tumanan mula kay Johanan na kasama ng walong lalake, at naparoon sa mga anak ni Ammon.

1087

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Si Jonadab na anak ni Rechab ay hindi kukulangin ng lalake na tatayo sa harap ko magpakailan man.

1088
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainTrigoPagiimbakSampung TaoKamalig ng Pagkain

Nguni't sangpung lalake ay nangasumpungan sa kanila na nangagsabi kay Ismael, Huwag mo kaming patayin; sapagka't kami ay may mga kayamanan na kubli sa parang, na trigo, at cebada, at langis, at pulot. Sa gayo'y nagpigil siya, at hindi niya pinatay sila sa gitna ng kanilang mga kapatid.

1089

At sa Dibon, at sa Nebo, at sa Beth-diblathaim,

1090
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa KamayHindi Magawa ang Iba Pang Bagay

At sinabi ni Sedechias na hari, Narito, siya'y nasa inyong kamay; sapagka't hindi ang hari ang makagagawa ng anoman laban sa inyo.

1091
Mga Konsepto ng TaludtodHaligi sa Templo ni Solomon, Mga

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito,

1092
Mga Konsepto ng TaludtodSinasalakayTunay na Pagsalakay sa JerusalemDiyos, Bibiguin sila ng

Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita.

1093

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi.

1094
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaLaban sa Kapwa

Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, at yaong mga takas, na nagsitakas sa hari sa Babilonia, at ang nalabi sa karamihan.

1095
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabilanggoBilanggo, MgaBilangguan, MgaHabambuhayHari na Ipinatapon, MgaPambubulagIba, Pagkabulag ngTansong mga Posas

At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.

1096

Nguni't nangyari, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay umahon sa lupain, na aming sinabi, Tayo na, at tayo'y magsiparoon sa Jerusalem dahil sa takot sa hukbo ng mga Caldeo, at dahil sa takot sa hukbo ng mga taga Siria; sa ganito'y nagsisitahan kami sa Jerusalem.

1097
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

At sinabi ni Jeremias sa sangbahayan ng mga Rechabita, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sapagka't inyong tinalima ang utos ni Jonadab na inyong magulang, at inyong iningatan ang lahat niyang palatuntunan, at inyong ginawa ang ayon sa lahat na kaniyang iniutos sa inyo;

1098
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay Kanilang Magiging Diyos

At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

1099

At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi,

1100
Mga Konsepto ng TaludtodMaiilap na mga Hayop na NapaamoNaglilingkod sa mga HariDiyos, Pamatok ng

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.

1101
Mga Konsepto ng TaludtodNauupo sa PasukanPinangalanang mga Tarangkahan

At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.

1102
Mga Konsepto ng TaludtodAmen

Sinabi nga ng propeta Jeremias, Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.

1103

At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon.

1104
Mga Konsepto ng TaludtodMatapos ang Mahabang Panahon

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon.

1105
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaPagtatanim ng UbasanHindi NagtatanimPaano Mabuhay ng Matagal

Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan.

1106
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasaLiterasiyaPagbabasa ng Kasulatan

At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito,

1107

Nang ikaapat na buwan nang ikasiyam na araw ng buwan, ang kagutom ay mahigpit sa bayan na anopa't walang tinapay para sa bayan ng lupain.

1108
Mga Konsepto ng TaludtodTisaLuwadNatatagong mga Bagay

Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay, at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan, na nasa pasukan ng bahay ni Faraon, sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda;

1109

At ang Caldea ay magiging samsam: lahat na nagsisisamsam sa kaniya ay mangabubusog, sabi ng Panginoon.

1110
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Ugali ng Diyos labanTanghaliBagay na Tulad ng Tao, Mga

At ang lalaking yaon ay maging gaya ng mga bayang giniba ng Panginoon, at hindi pinagsisihan: at makarinig nawa siya ng daing sa umaga, at hiyawan sa katanghaliang tapat;

1111
Mga Konsepto ng TaludtodPanlilinlang sa SariliKami ay Susunod

Sapagka't dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka't inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios: at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin.

1112
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa DiyosNalalapit na KamatayanKamatayan, Nalalapit naPaghihimagsik laban sa DiyosPaghihimagsik

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagka't ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.

1113
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga PropetaDiyos na Hindi NagsusugoPropeta na Hindi Sinugo, Mga

Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo.

1114
Mga Konsepto ng TaludtodPalasyo, MgaPagkawasak ng mga KabahayanPagsunog sa Jerusalem

At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at lahat ng mga bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, sinunog niya ng apoy.

1115
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga SalitaLumulubog

At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.

1116
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatunayKatapatanKawalang Muwang, Turo saDiyos na Nagsusugo ng mga Propeta

Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.

1117
Mga Konsepto ng TaludtodAbang Kapighatian sa mga Masama

Sa aba mo, Oh Moab! ang bayan ni Chemos ay nawala; sapagka't ang iyong mga anak na lalake ay nadalang bihag, at ang iyong mga anak na babae ay nasok sa pagkabihag.

1118

At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila.

1119

At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto:

1120
Mga Konsepto ng TaludtodNaabutan

Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico; at ang buo niyang hukbo ay nangalat na napahiwalay sa kaniya.

1121
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Hinuhuburan ang mga TaoPagtatago

Nguni't aking hinubdan ang Esau, aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan, at siya'y hindi makapagkukubli: ang kaniyang mga binhi ay nasira, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga kalapit, at siya'y wala na rin.

1122
Mga Konsepto ng TaludtodBalutiSanggalangKalasag, Sanggalang naPakikipaglaban sa mga Kaaway

Inyong iayos ang pansalag at kalasag, at kayo'y magsilapit sa pagbabaka.

1123
Mga Konsepto ng TaludtodTorePader, MgaTao, NaghihigantingHayaang Lumago ang KasamaanPaghihigantiPagsukoPakikitungo sa Iba

Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya.

1124
Mga Konsepto ng TaludtodSaro ng Poot ng DiyosDiyos na Nagbigay KalasinganAlkohol, Mga Inuming may

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, silang hindi nangauukol magsiinom sa saro ay walang pagsalang magsisiinom; at ikaw baga'y yayaong lubos na walang parusa? ikaw ay hindi yayaon na walang parusa, kundi walang pagsalang iinom ka.

1125
Mga Konsepto ng TaludtodBangkay ng mga TaoPagpatay sa Loob ng Israel

At nangyari, na nang sila'y pumasok sa gitna ng bayan, na pinatay sila ni Ismael na anak ni Nethanias at inihagis sila sa hukay, niya at ng mga lalake na kasama niya.

1126
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa JerusalemWalang TakasPaglilipat ng mga Asawa

At kanilang dadalhin ang lahat mong asawa at ang iyong mga anak sa mga Caldeo, at hindi ka makatatanan sa kanilang kamay, kundi ikaw ay mahuhuli ng kamay ng hari sa Babilonia: at iyong ipasusunog ng apoy ang bayang ito.

1127
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteTamariskoKalungkutan

Magsitakas kayo, inyong iligtas ang inyong mga buhay, at kayo'y maging parang kugon sa ilang.

1128
Mga Konsepto ng TaludtodKapaimbabawan, Halimbawa ng

At si Ismael na anak ni Nethanias ay lumabas na mula sa Mizpa upang salubungin sila, na umiiyak siya habang lumalakad: at nangyari, pagkasalubong niya sa kanila, sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam.

1129
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik Mula sa BabilonyaPropesiya, KasinungalingangMasamang mga PropetaHuwag Makinig!

Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo.

1130
Mga Konsepto ng TaludtodNatitisodHamakPagbagsak ng MayabangPagbagsakPagsunog sa mga LungsodAng Kayabangan ay IbabagsakKawalang KatiyakanKayabangan

At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya.

1131
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Propesiya tungkol saKakutyaan, Katangian ngNanlilibakBabilonnya, Iniwang WasakWalang Lamang mga SiyudadSumisitsitMga Taong Nagulat

Dahil sa poot ng Panginoon ay hindi tatahanan, kundi magiging lubos na sira: bawa't magdaan sa Babilonia ay matitigilan, at susutsot dahil sa kaniyang lahat na pagkasalot.

1132
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaTrigoPagkawasak ng BabilonyaMga Taong Winawasak ang Banyagang mga BansaHangganan

Magsiparoon kayo laban sa kaniya, mula sa kahulihulihang hangganan; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig; inyong ihagis na parang mga bunton, at siya'y inyong siraing lubos; huwag maiwanan siya ng anoman.

1133
Mga Konsepto ng TaludtodIpataponMasamang mga PropetaAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol.

1134

At sa Chiriathaim, at sa Beth-gamul, at sa Beth-meon;

1135
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga SiyudadAng Tahanan ng Diyos sa Shilo

Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.

1136
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NatitisodSinasabi, Paulit-ulit na

Kaniyang itinisod ang marami, oo, sila'y nangabuwal na patongpatong, at kanilang sinabi, Bumangon ka, at magsiparoon tayo uli sa ating sariling bayan, at sa lupain na kinapanganakan sa atin, mula sa mapagpighating tabak.

1137
Mga Konsepto ng TaludtodKaguluhanIlog NiloBaha, Mga

Sino itong bumabangon na parang Nilo na ang mga tubig ay nagiinalong parang mga ilog?

1138
Mga Konsepto ng TaludtodBakit ito Ginagawa ng Diyos?

At maraming bansa'y magsisipagdaan sa bayang ito, at mangagsasabi bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, Ano't gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito?

1139
Mga Konsepto ng TaludtodLambatSukat ng mga HaligiTaas ng mga Bagay

At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko, na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot, taganas na tanso: at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito, at mga granada.

1140
Mga Konsepto ng TaludtodGrupo ng mga AlipinTipan na ginawa sa Bundok sa SinaiDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ako'y nakipagtipan sa inyong mga magulang sa araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, na aking sinasabi,

1141

Sapagka't sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak; sapagka't kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak.

1142
Mga Konsepto ng TaludtodKaharian, MgaSalot, MgaPagpapahayag ng PropesiyaDiyos na Nagsasalita sa Nakaraan

Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain, at laban sa mga malaking kaharian, tungkol sa digma, at tungkol sa kasamaan, at tungkol sa salot.

1143
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagsalita sa Pamamagitan ng mga Propeta

Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.

1144
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorMagsasaka, MgaPangangalaga ng Kawan

At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang pastor at ang kaniyang kawan; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mangbubukid at ang kaniyang tuwang na mga baka; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan.

1145
Mga Konsepto ng TaludtodSalotWalang NakaligtasTaggutom, Nakamamatay na

Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto, upang mangibang bayan doon; sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom at ng salot: at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila.

1146

At mangyayari sa mga huling araw, na aking ibabalik ang pagkabihag ng Elam, sabi ng Panginoon.

1147
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoBilanggo, Mga

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, samantalang siya'y nakukulong sa looban ng bantay, na nagsasabi,

1148
Mga Konsepto ng TaludtodLatian, MgaTao, Panlilinlang sa mgaKaibigan, Hindi Maasahang mga

Narito, lahat ng babae na naiwan sa bahay ng hari sa Juda ay malalabas sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia, at ang mga babaing yaon ay mangagsasabi, Hinikayat ka ng iyong mga kasamasamang mga kaibigan, at nanaig sa iyo: ngayon ang iyong paa nga ay nalubog sa burak, at sila'y nagsitalikod.

1149
Mga Konsepto ng TaludtodWalang KagalinganKinakasuhan ang DiyosPagbutiKalusugan at KagalinganPagasa at Kagalingan

Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.

1150
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gintong Patungan ng IlawPilakKumuha ng mga Pinahalong Metal

At ang mga saro, at ang mga apuyan, at ang mga mankok, at ang mga palayok, at ang mga kandelero, at ang mga kuchara, at ang mga tasa, ang ginto sa ginto, at ang pilak sa pilak, dinala ng kapitan ng bantay.

1151
Mga Konsepto ng TaludtodUgatDiyos na LumilipolHugutin

Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain.

1152
Mga Konsepto ng TaludtodSugoPagbihag sa mga Lungsod

Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba, at isang sugo upang sumalubong sa iba, upang ibalita sa hari sa Babilonia, na ang kaniyang bayan ay nasakop sa lahat ng sulok:

1153
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagbabago ng Kanilang IsipanGinawang mga Alipin

Nguni't pagkatapos ay nangagbalik sila, at pinapagbalik ang mga aliping lalake at babae na kanilang pinapaging laya, at kanilang dinala sa ilalim ng pagkaaliping lalake at babae.

1154
Mga Konsepto ng TaludtodNamumuhay sa Ilang

At ang lahat ng hari sa Arabia, at ang lahat ng hari sa halohalong bayan na nagsisitahan sa ilang;

1155
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteMga Taong TumatakasDiyos na NaghihigantiPaghihiganti

Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia, upang maghayag sa Sion ng kagantihan ng Panginoon nating Dios, ng kagantihan ng kaniyang templo.

1156
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalamIlang Tao

At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila.

1157
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteNalabiWalang Nakaligtas

Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan.

1158
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak

Ang hugong ng hiyaw mula sa Horonaim, pananamsam at malaking kapahamakan!

1159
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik sa LupainTaginit, Prutas sa

Lahat ng Judio nga ay nagsibalik na mula sa lahat ng dakong kinatabuyan sa kanila, at naparoon sa lupain ng Juda kay Gedalias, sa Mizpa, at nagpisan ng alak at ng mga bunga sa taginit na totoong marami.

1160
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloPagsunog sa Jerusalem

Sapagka't bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma'y babangon sila, ang bawa't isa sa kaniyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito.

1161
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga PropetaBulaang mga Propeta, Pagtanggi saHuwag Makinig!

At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan sa inyo.

1162
Mga Konsepto ng TaludtodPiitanIbinababa ang mga Bagay

Sa gayo'y nagsama ng mga lalake si Ebed-melec, at pumasok sa bahay ng hari, sa ilalim ng silid ng kayamanan, at kumuha mula roon ng mga basahan, at mga lumang damit, at kanilang ibinaba sa pamamagitan ng mga lubid sa hukay kay Jeremias.

1163
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaLeon, MgaGaya ng mga Nilalang

Sila'y magsisiangal na magkakasama na parang mga batang leon; sila'y magsisiangal na parang mga anak ng leon.

1164
Mga Konsepto ng TaludtodTakot na DaratingGawing mga Pag-aari

Ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan ay kanilang kukunin; kanilang kukunin para sa kanilang sarili ang kanilang mga tabing, at lahat nilang sisidlan, at ang kanilang mga kamelyo: at hihiyawan nila sila: Kakilabutan sa lahat ng dako!

1165
Mga Konsepto ng TaludtodGawing Pag-aari

Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan.

1166
Mga Konsepto ng TaludtodTronoAng Dinastiya ni David

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;

1167
Mga Konsepto ng TaludtodHirap ng PanganganakHindi Magawa ang Iba Pang BagayDamascus

Ang Damasco ay humihina, siya'y tumatalikod upang tumakas, at panginginig ay humahawak sa kaniya: kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam.

1168
Mga Konsepto ng TaludtodIba't ibang mga Diyus-diyusan

Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay, na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto, na inyong kinaparoonan na mangibang bayan; upang kayo'y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa?

1169
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin, Inilarawan angDiyos na Sumasagot ng PanalanginMoral na KalayaanGalit at PagpapatawadPagsusumamoKahilingan

Marahil ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon, at hihiwalay bawa't isa sa kaniyang masamang lakad; sapagka't malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito.

1170
Mga Konsepto ng TaludtodSaktan ang Sarili

Kaya't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Bakit kayo'y nagsigawa nitong malaking kasamaan laban sa inyong sariling mga kaluluwa, upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae, ng sanggol at pasusuhin, sa gitna ng Juda, upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi;

1171
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalMga Kaaway ng Israel at JudaHabag ng TaoKaragatanAtungal ng mga BansaManiniilKaragatan, Talinghagang KahuluganMga Taong Walang Awa

Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.

1172
Mga Konsepto ng TaludtodUmuupaPagdalaw

Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan; sapagka't sila man ay nagsibalik, sila'y nagsitakas na magkakasama, sila'y hindi nagsitayo: sapagka't ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagdalaw sa kanila.

1173
Mga Konsepto ng TaludtodPinatay sa TabakTaggutom, Nakamamatay naDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

Narito, aking binabantayan sila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at lahat ng tao ng Juda na nangasa lupain ng Egipto ay mangalilipol sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom, hanggang sa umabot sila sa kawakasan.

1174
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaPribadoNakaligtas, Mga WinasakImpormasyon na Lihim

Nang magkagayo'y si Johanan na anak ni Carea ay nagsalita ng lihim kay Gedalias sa Mizpa, na sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na payaunin mo ako, at aking papatayin si Ismael na anak ni Nethanias, at walang lalaking makakaalam: bakit niya kikitilin ang iyong buhay, upang ang lahat na Judio na napipisan sa iyo ay mangalat, at malipol ang nalabi sa Juda?

1175
Mga Konsepto ng TaludtodPiitanNananatili ng Mahabang Panahon

Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa, at sa loob ng mga silid, at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw;

1176
Mga Konsepto ng TaludtodPagwawalang-BahalaPakikinigTrabaho ng Diyos at ng TaoPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Nguni't maging siya, o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias.

1177
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang LamanAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayHari ng Juda, Mga

At tungkol kay Joacim na hari sa Juda ay iyong sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong sinunog ang balumbon na ito, na iyong sinasabi, Bakit mo isinulat doon, na sinasabi, Tunay na ang hari sa Babilonia ay paririto at sisirain ang lupaing ito, at papaglilikatin dito ang tao at ang hayop?

1178
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga KabahayanTunay na Pagsalakay sa Jerusalem

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga bahay ng bayang ito, at tungkol sa mga bahay ng mga hari sa Juda na nangabagsak upang gawing sanggalangan laban sa mga bunton at laban sa tabak;

1179
Mga Konsepto ng TaludtodPito Hanggang Siyamnaraan

Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodonosor ay nagdala siya ng bihag na mula sa Jerusalem na walong daan at tatlong pu't dalawang tao:

1180
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga SiyudadTuyong mga LugarGinawang Katatakutan

Ang kaniyang mga bayan ay nasira, tuyong lupain at ilang, lupain na walang taong tumatahan, o dinaraanan man ng sinomang anak ng tao.

1181
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Pagkawasak ngPagbihag sa mga LungsodAng Kahatulan ng Babilonya

Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia, ay nayayanig ang lupa, at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa.

1182
Mga Konsepto ng TaludtodAng Patotoo ng Diyos

Nang magkagayo'y sinabi nila kay Jeremias, Ang Panginoon ay maging tunay at tapat na saksi sa gitna natin, kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin.

1183
Mga Konsepto ng TaludtodTumatangging MakinigSumusunod sa mga Tao

Yamang tinupad ng mga anak ni Jonadab na anak ni Rechab ang utos ng kanilang magulang na iniutos sa kanila, nguni't ang bayang ito ay hindi nakinig sa akin;

1184
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng Paulit-ulit

Kumuha ka uli ng ibang balumbon, at sulatan mo ng lahat na dating salita na nasa unang balumbon na sinunog ni Joacim na hari sa Juda.

1185
Mga Konsepto ng TaludtodPugantePalakolAhas, MgaNatumbang mga PunoBagay na Tulad ng Ahas, MgaTunog

Ang hugong niyaon ay yayaong parang ahas; sapagka't sila'y magsisiyaong kasama ng hukbo, at magsisiparoong laban sa kaniya na mga may palakol, na parang mga mamumutol ng kahoy.

1186
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayPagsunog sa mga LungsodSiryaDamascus

At ako'y magsusulsol ng apoy sa kuta ng Damasco, at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni Benhadad.

1187

Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo, Oh nalabi sa Juda, Huwag kayong pumasok sa Egipto: talastasin ninyong tunay na ako'y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito.

1188
Mga Konsepto ng TaludtodLiterasiyaPagbabasa ng Ibang mga Bagay

At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.

1189
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naglalagay ng PatibongTakot na DaratingHukay na Ginamit bilang Patibong

Pagkatakot, at hukay, at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon.

1190
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

Kundi kami ay nagsitahan sa mga tolda, at kami ay nagsitalima, at nagsigawa ng ayon sa lahat na iniutos sa amin ni Jonadab na aming magulang.

1191
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Winawasak ang Banyagang mga Bansa

Ang Moab ay sira; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik.

1192
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpetaTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaWala ng TaggutomWalang Digmaan

Na nagsasabi, Hindi; kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto, na hindi namin kakikitaan ng digma, o kariringgan man ng tunog ng pakakak, o kagugutuman ng tinapay: at doon kami magsisitahan:

1193
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

At aking parurusahan siya at ang kaniyang binhi at ang kaniyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan; at aking dadalhin sa kanila, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa mga tao ng Juda, ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila, nguni't hindi nila dininig.

1194

At si Jeremias ay nagutos kay Baruch, na nagsasabi, Ako'y nakukulong; hindi ako makapasok sa bahay ng Panginoon:

1195
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikapitong

Sa gayo'y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan.

1196
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga Propeta

At narinig ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.

1197
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoHindi Umiinom ng AlakSumusunod sa mga Tao

At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;

1198
Mga Konsepto ng TaludtodGutom, Halimbawa ngPiitanPinahihirapan hanggang KamatayanTaggutom, Nakamamatay na

Panginoon ko na hari, ang mga lalaking ito ay nagsigawa ng kasamaan sa lahat ng kanilang ginawa kay Jeremias na propeta, na kanilang isinilid sa hukay; at siya'y mamamatay sa dakong kaniyang kinaroonan dahil sa kagutom; sapagka't wala nang tinapay sa bayan.

1199
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang mga Talata tungkol sa Pulang Dagat

Ang lupa ay nayayanig sa hugong ng kanilang pagkabuwal; may hiyawan, na ang ingay ay naririnig sa Dagat na Mapula.

1200
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagulat

Narito, sisidlan kita ng takot, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, mula sa lahat na nangasa buong palibot mo; at kayo'y mangatataboy bawa't isa na patuloy, at walang magiipon sa kanila na nagsisitakas.

1201
Mga Konsepto ng TaludtodSetroKalungkutanPagpapaalis

Kayong lahat na nangasa palibot niya, panaghuyan ninyo siya, at ninyong lahat na nangakakakilala ng kaniyang pangalan; inyong sabihin, Bakit ang matibay na tukod ay nabali, ang magandang tungkod!

1202
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Kaloob ng DiyosGinawang KatatakutanHindi Mapagtitiisang mga Bagay

Na anopa't ang Panginoon ay hindi nakapagpigil ng maluwat, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa, at dahil sa mga kasuklamsuklam na inyong ginawa; kaya't ang inyong lupain ay naging sira, at katigilan, at kasumpaan, na walang mananahan gaya sa araw na ito.

1203

Ipinagsama nga nila ang lahat na lalake, at sila'y nagsiyaong lumaban kay Ismael na anak ni Nethanias, at nasumpungan nila siya sa tabi ng malaking bukal na nasa Gabaon.

1204
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bibiguin sila ng

At si Sedechias na hari sa Juda at ang kaniyang mga prinsipe ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, na umahon mula sa inyo.

1205
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaPalakolHindi Tulad ng mga Diyus-diyusanAng Pangalan Niya ay Panginoon

Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang naganyo sa lahat ng bagay; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana: ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

1206
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaArnonIlog Arnon

Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan; sapagka't nagiba: kayo ay magsitangis at magsihiyaw; saysayin ninyo sa Arnon, na ang Moab ay nasira.

1207
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng JerusalemDiyos na Laban

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama, sa makatuwid baga'y upang ihiwalay ang buong Juda.

1208
Mga Konsepto ng TaludtodKasaysayan ng mga BansaMga Pinagpalang BataPaniniil

Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.

1209
Mga Konsepto ng TaludtodSalotDiyos na PumapatayTaggutom, Nakamamatay naDiyos, Pumapatay ang

Bakit kayo'y mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?

1210
Mga Konsepto ng TaludtodAng Epekto ng PananampalatayaNagtitiwala sa Diyos at Hindi Nababalisa

Sapagka't tunay na ililigtas kita, at ikaw ay hindi ibubuwal ng tabak, kundi ang iyong buhay ay magiging pinakasamsam sa iyo; sapagka't iyong inilagak ang iyong tiwala sa akin, sabi ng Panginoon.

1211

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,

1212

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

1213
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saDiyos, Kapangyarihan ngKamay ng DiyosKalakasan, MakaDiyos naKalakasan ng DiyosKatatakutan sa DiyosTanda at Kababalaghan Bago Dumating si CristoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at ng malaking kakilabutan,

1214
Mga Konsepto ng TaludtodSampu o Higit pang mga ArawPaghihintay sa Panginoon

At nangyari, pagkatapos ng sangpung araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias.

1215

Nang magkagayo'y sinalita ni Jeremias na propeta ang lahat ng salitang ito kay Sedechias na hari sa Juda sa Jerusalem,

1216
Mga Konsepto ng TaludtodKalakihanNangakalat na mga TaoGinugupitan ang Buhok

At ang kanilang mga kamelyo ay magiging samsam, at ang karamihan ng kanilang kawan ay samsam: at aking pangangalatin sa lahat ng hangin ang mga may gupit sa dulo ng kanilang buhok; at aking dadalhin ang kanilang kasakunaan na mula sa lahat nilang dako, sabi ng Panginoon.

1217

Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa, ang mga hari ng mga Medo, ang mga gobernador niyaon, at ang lahat na kinatawan niyaon, at ang buong lupain na kaniyang sakop.

1218
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, Pangaabuso saMga Taong TumatakasTakot na Darating

Bakit ko nakita? sila'y nanganglulupaypay at nagsisibalik; at ang kanilang mga makapangyarihan ay buwal, at nagsisitakas na maliksi, at hindi nagsisilingon: kakilabutan ay nasa bawa't dako, sabi ng Panginoon.

1219
Mga Konsepto ng TaludtodBalumbonPagsusulat

Nang magkagayo'y sumagot si Baruch sa kanila, Kaniyang sinalita ang lahat na salitang ito sa akin ng kaniyang bibig, at aking isinulat ng tinta sa aklat.

1220
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutan ang mga BagayLahat ay Nagkasala

Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang, at ang kasamaan ng mga hari sa Juda, at ang kasamaan ng kanilang mga asawa, at ang inyong sariling kasamaan, at ang kasamaan ng inyong mga asawa, na kanilang ginawa sa lupain ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem?

1221

Gayon ma'y iyong pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh Sedechias na hari sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa iyo, Ikaw ay hindi mamamatay sa pamamagitan ng tabak;

1222
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahalamanMatapos ang Mahabang PanahonHardin, Mga

Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?

1223
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasaalis ng SandataPagwasak sa mga Sandata

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking babaliin ang busog ng Elam, ang pinakapangulo ng kaniyang kapangyarihan.

1224
Mga Konsepto ng TaludtodPlano, MgaPlano ng Diyos, Mga

Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinayo laban sa Babilonia; at ang kaniyang mga pasiyang ipinasiya niya, laban sa lupain ng mga Caldeo: Tunay na kanilang itataboy ang mga maliit sa kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan pati sila.

1225
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteKalsadaAno ba ang Kalagayan?

Oh nananahan sa Aroer, tumayo ka sa tabi ng daan, at manubok ka: itanong mo sa kaniya na tumatakas, at sa kaniya na tumatanan; iyong sabihin; Ano ang nangyari?

1226
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamay-aring Dinala sa BabilonyaSalita ng DiyosMasamang mga PropetaPropeta, Mga

Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.

1227

Nguni't pagkatapos ay aking ibabalik na muli ang mga anak ni Ammon mula sa pagkabihag, sabi ng Panginoon.

1228
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saWalang TakasPagpapatapon, Mga Tao sa

At ikaw ay hindi makatatanan sa kaniyang kamay, kundi tunay na mahuhuli ka, at mabibigay sa kaniyang kamay; at ang iyong mga mata ay titingin sa mga mata ng hari sa Babilonia, at siya'y makikipagsalitaan sa iyo ng bibig at ikaw ay mapaparoon sa Babilonia.

1229
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKabayo, MgaKabalyerya

At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang kabayo at ang kaniyang sakay;

1230
Mga Konsepto ng TaludtodYamutin ang DiyosHindi Kilalang mga Diyus-diyusanIba't ibang mga Diyus-diyusan

Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man.

1231
Mga Konsepto ng TaludtodHiningan ng BuhayPanata ng TaoLihimDiyos na Nagbibigay BuhayPagpatay sa mga Propeta

Sa gayo'y si Sedechias ay sumumpang lihim kay Jeremias, na nagsasabi, Buhay ang Panginoon na lumalang ng ating kaluluwa, hindi kita ipapapatay, o ibibigay man kita sa kamay ng mga lalaking ito na nagsisiusig ng iyong buhay.

1232
Mga Konsepto ng TaludtodBisigSungay, MgaButo, Mga BalingSungay na HuminaSungay, Mga Baling

Ang sungay ng Moab ay nahiwalay, at ang kaniyang bisig ay nabali, sabi ng Panginoon.

1233

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Yumaon ka, at sabihin mo sa mga tao ng Juda at sa mga nananahan sa Jerusalem, Hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang aking mga salita? sabi ng Panginoon.

1234
Mga Konsepto ng TaludtodTauhang Nagsisinungaling, Mga

Nguni't sinabi ni Gedalias na anak ni Ahicam kay Johanan na anak ni Carea, Huwag mong gagawin ang bagay na ito; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan tungkol kay Israel.

1235
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosMasunurin sa Diyos

Nguni't sinabi ni Jeremias, Hindi ka ibibigay nila. Isinasamo ko sa iyo, na talimahin mo ang tinig ng Panginoon, tungkol sa aking sinalita sa iyo: sa gayo'y ikabubuti mo, at ikaw ay mabubuhay.

1236
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod, Punong

Si Faraong hari sa Egipto, at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong bayan niya;

1237

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi,

1238
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan ng BabilonyaPagtalikod sa mga Diyus-diyusanAng Kahatulan ng Babilonya

Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya.

1239
Mga Konsepto ng TaludtodAltarWalang InsensoMga Taong NagwakasPagaalay sa Matataas na Dako

Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab, sabi ng Panginoon, ang naghahandog sa mataas na dako, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios.

1240
Mga Konsepto ng TaludtodAng Propesiya sa EhiptoTirahanKalungkutan

At aking ibibigay sila sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang mga buhay, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kaniyang mga lingkod; at pagkatapos ay tatahanan na gaya ng mga araw nang una, sabi ng Panginoon.

1241
Mga Konsepto ng TaludtodPosibilidad ng Kamatayan

At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.

1242

At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi,

1243
Mga Konsepto ng TaludtodBubongSirain ang mga SisidlanBubungan

Sa lahat ng mga bubungan ng Moab at sa mga lansangan niyaon ay may panaghoy saa't saan man; sapagka't aking binasag ang Moab na parang sisidlan na di kinalulugdan, sabi ng Panginoon.

1244
Mga Konsepto ng TaludtodMagandaDumalagang BakaMula sa HilagaLangas

Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating.

1245

Inyong patayin ang lahat niyang mga toro; pababain sila sa patayan: sa aba nila! sapagka't ang kanilang araw ay dumating, ang araw ng pagdalaw sa kanila.

1246
Mga Konsepto ng TaludtodMagnanakaw, Mga

Sapagka't hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo? hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw? sapagka't kung paanong kadalas sinasalita mo siya, gayon naguuga ka ng ulo.

1247
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Sapagka't kayo'y nangagsunog ng kamangyan, at sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon, o nagsilakad man sa kaniyang kautusan, o sa kaniyang palatuntunan man, o sa kaniyang mga patotoo man; dahil dito ang kasamaang ito ay nangyari sa inyo, gaya sa araw na ito.

1248

Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh nalabi sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Kung inyong lubos na ihaharap ang inyong mukha na pumasok sa Egipto, at magsiparoon upang mangibang bayan doon;

1249
Mga Konsepto ng TaludtodLabas Pasok

Si Jeremias nga ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan.

1250
Mga Konsepto ng TaludtodTumatangging Makinig

Gayon ma'y hindi kayo nangakinig sa akin, sabi ng Panginoon; upang mungkahiin ninyo ako sa galit, ng gawa ng inyong mga kamay sa inyong sariling ikapapahamak.

1251
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanMaraming mga KalabanInsektoBalang, MgaNatumbang mga Puno

Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang.

1252
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan at Karanasan ng Tao

Nangyari nga, nang makita ng buong bayan na kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Carea at ang lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya, sila nga'y nangatuwa.

1253
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kalooban ng mga TaoNag-aaralPagsasagawa ng MahusayBasketball

Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.

1254
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katapatan ngDigmaan, Halimbawa ngPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaPagpatay sa mga Pari

At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at ipinapatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Gayon nadalang bihag ang Juda, mula sa kaniyang lupain.

1255
Mga Konsepto ng TaludtodKaragatanAlonAng Dagat ay PinukawKaragatan, Talinghagang KahuluganAng Karagatan

Ang dagat ay umapaw sa Babilonia; siya'y natakpan ng karamihan ng mga alon niyaon.

1256
Mga Konsepto ng TaludtodPiitan

Sa gayo'y isinampa nila si Jeremias ng mga lubid, at itinaas siya mula sa hukay: at si Jeremias ay naiwan sa looban ng bantay.

1257

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang kaniyang lupain, gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria.

1258
Mga Konsepto ng TaludtodHilagaWalang Takas

Huwag tumakas ang maliksi, o tumanan man ang makapangyarihan; sa hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates ay nangatisod sila at nangabuwal.

1259
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa JerusalemWalang TakasPagsuko

Nguni't kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabibigay nga ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at kanilang susunugin ng apoy, at ikaw ay hindi makatatanan sa kanilang kamay.

1260
Mga Konsepto ng TaludtodDumaan sa Gitna

Ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga prinsipe sa Jerusalem, ang mga bating, at ang mga saserdote, at ang buong bayan ng lupain, na nagsidaan sa pagitan ng mga bahagi ng guya;

1261

Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga mankok, at ang mga kuchara, at lahat na sisidlan na tanso, na kanilang ipinangangasiwa, dinala nila.

1262
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoPagalaalaMga Taong NakakaalalaExodoMabuting mga Bagay mula sa MalayoJerusalemMananampalataya na Umaalala sa Diyos

Kayong nangakatanan sa tabak, magsiyaon kayo, huwag kayong magsitigil; inyong alalahanin ang Panginoon sa malayo, at pasukin ang inyong pagiisip ng Jerusalem.

1263
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapKawalang Katapatan sa DiyosDiyos na Naglalagay ng PatibongPagaaway

Pinaglagyan kita ng silo, at ikaw naman ay nahuli, Oh Babilonia, at hindi mo ginunita: ikaw ay nasumpungan at nahuli rin, sapagka't ikaw ay nakipagtalo laban sa Panginoon.

1264
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naghahari sa LahatTrono

At aking ilalagay ang aking luklukan sa Elam, at aking lilipulin mula roon ang hari at mga prinsipe, sabi ng Panginoon.

1265
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang PitaganKapakumbabaanPagsisisi, Mataos naWalang Takot sa DiyosPaglabag sa Kautusan ng DiyosMagpakumbaba Ka

Sila'y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito, o nangatakot man sila, o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan, o sa aking mga palatuntunan man, na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang.

1266
Mga Konsepto ng TaludtodNaabutanPinatay sa TabakTaggutom, Darating naTaggutom na DaratingPagkabalisa at TakotTakot at Kabalisahan

Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay.

1267

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias; Kasinungalingan, hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Nguni't hindi niya dininig siya: sa gayo'y dinakip ni Irias si Jeremias, at dinala sa mga prinsipe.

1268
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngPagpatay sa mga Israelita

Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.

1269
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng Jerusalem

Kaya't ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos, at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at mga sira at giba, gaya sa araw na ito.

1270
Mga Konsepto ng TaludtodNalalapit na KamatayanKamatayan, Nalalapit na

At siya'y paririto, at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan, at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag, at yaong sa tabak ay sa tabak.

1271
Mga Konsepto ng TaludtodPanlilinlang sa Sarili

Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag ninyong dayain ang inyong sarili, na magsabi, Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo: sapagka't hindi magsisialis.

1272
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa Jerusalem

At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli, at magsisilaban sa bayang ito; at kanilang sasakupin, at susunugin ng apoy.

1273
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayMakabayanInihiwalay na BayanYaong Nasa Kaluwagan

Magsibangon kayo, inyong sampahin ang bansang tiwasay, na tumatahang walang bahala, sabi ng Panginoon; na wala kahit pintuangbayan o mga halang man, na tumatahang magisa.

1274
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa DiyosPagtanggi sa Panawagan ng DiyosPanawagan ng Diyos, Ilang TugonSumasagot na DiyosIba pa na Hindi SumasagotDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila; sapagka't ako'y nagsalita sa kanila, nguni't hindi sila nangakinig; at ako'y tumawag sa kanila, nguni't hindi sila nagsisagot.

1275
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosMabuti o MasamaSumusunod sa Diyos

Maging mabuti, o maging masama, aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios, na siya naming pinagsusuguan sa iyo; upang ikabuti namin, pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios.

1276

Kunin mo siya, at ingatan mo siyang mabuti, at huwag mo siyang saktan; kundi gawin mo sa kaniya ang kaniyang sasabihin sa iyo.

1277
Mga Konsepto ng TaludtodLangit at LupaKagalakan ng IsraelYaong mga MangwawasakKahatulan ng BabilonyaMula sa HilagaNagagalak sa Katarungan

Kung magkagayo'y ang langit at ang lupa, at lahat na nandoon, magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan; sapagka't ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan, sabi ng Panginoon.

1278
Mga Konsepto ng TaludtodSalotKamatayan ng lahat ng NilalangAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayKamatayan ng ibang Grupo

At aking susugatan ang mga mananahan sa bayang ito, ang tao at gayon din ang hayop: sila'y mangamamatay sa malaking pagkasalot.

1279
Mga Konsepto ng TaludtodLatian, MgaTumawid na IlogTakot sa mga KaawayMga Tulay

At ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot.

1280
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga Siyudad

Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab, upang siya'y makalipad makalabas: at ang kaniyang mga bayan ay masisira, na walang sinomang tatahan doon.

1281
Mga Konsepto ng TaludtodMagkatulad na mga Bagay

Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na gaya ng Topheth:

1282
Mga Konsepto ng TaludtodTuntunin para sa Lalake at BabaePagpapalaya

At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagsitalima, na nasok sa tipan, na bawa't isa'y palalayain ang kaniyang aliping lalake, at palalayain ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na wala nang paglilingkuran pa sila; sila'y nagsitalima, at kanilang pinayaon sila:

1283

At sila'y mangabubuwal na patay sa lupain ng mga Caldeo, at napalagpasan sa kaniyang mga lansangan.

1284
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusan

At aking panglulupaypayin ang Elam sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa harap ng nagsisiusig ng kanilang buhay; at ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y ang aking mabangis na galit, sabi ng Panginoon; at aking ipahahabol sila sa tabak, hanggang sa malipol ko sila.

1285
Mga Konsepto ng TaludtodGaya ng Baha

Ang Egipto ay bumabangong parang Nilo, at ang tubig ay nagiinalong parang mga ilog: at kaniyang sinasabi, Ako'y babangon, aking tatakpan ang lupa; aking ipapahamak ang bayan at ang mga mananahan doon.

1286
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na nasa IyoHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongNatatakot

Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay.

1287
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagararoNaglilingkod sa mga Hari

Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan.

1288
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga Propeta

Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito?

1289
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosMga Taong Winawasak ang Banyagang mga Bansa

Ang Moab ay masisira sa pagiging bayan, sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon.

1290
Mga Konsepto ng TaludtodSirain ang mga Sisidlan

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos, at siya'y ibubuhos nila; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan, at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa.

1291

Bakit ang iyong mga malakas ay napaalis? sila'y hindi nagsitayo, sapagka't itinaboy ng Panginoon.

1292

Nguni't kung inyong sabihin, Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito; na anopa't hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios,

1293

At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya:

1294
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nagagapi

Nguni't ililigtas kita sa araw na yaon, sabi ng Panginoon; at hindi ka mabibigay sa kamay ng mga lalake na iyong kinatatakutan.

1295
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na SiyamnapuIsang DaanSiyamnapu

At mayroong siyam na pu't anim na granada sa mga tagiliran; lahat na granada ay isang daan na yaring nilambat sa palibot.

1296
Mga Konsepto ng TaludtodSinisirang mga Karwahe

At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang karo at ang nakasakay roon; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang lalake at ang babae; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang matanda at ang bata: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang binata at ang dalaga;

1297
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga LungsodYaong mga MangwawasakWalang Takas

At ang manglilipol ay darating sa bawa't bayan, at walang bayan na makatatanan; ang libis naman ay nawawala, at ang kapatagan ay masisira; gaya ng sinalita ng Panginoon.

1298

At sinabi ni Ebed-melec na taga Etiopia kay Jeremias, Ilagay mo ngayon ang mga basahang ito at mga lumang damit sa iyong mga kilikili sa ibabaw ng mga lubid. At ginawang gayon ni Jeremias.

1299
Mga Konsepto ng TaludtodIngayTamang Panahon para sa mga Tao

Sila'y nagsihiyaw roon, Si Faraong hari sa Egipto ay isang hugong lamang; kaniyang pinaraan ang takdang panahon.

1300

Sa gayo'y ang buong bayan na dinalang bihag ni Ismael na mula sa Mizpa, ay pumihit at bumalik, at naparoon kay Johanan na anak ni Carea.

1301
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabilanggoGawan ng Mali ang Ibang Tao

Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan?

1302

Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,

1303
Mga Konsepto ng TaludtodTronoMabuting Salita

At siya'y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.

1304

At dinala sila ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla.

1305
Mga Konsepto ng TaludtodHirap ng PanganganakWalang Lakas na Natira

Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

1306
Mga Konsepto ng TaludtodMandirigma, MgaKawalang-KaayusanMga Taong NatitisodKahihiyan ay Dumating

Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan, at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw, sapagka't ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan, sila'y nangabuwal kapuwa na magkasama.

1307
Mga Konsepto ng TaludtodBayani, Mga

Bakit ninyo sinasabi, Kami ay mga makapangyarihang lalake, at mga matapang na lalake na mangdidigma?

1308
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin at Kalooban ng DiyosNatuturuan

Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran, at ang bagay na marapat naming gawin.

1309

Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari; sabi ng Panginoon, ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari.

1310

At nangyari, nang ikalawang araw, pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias, at wala pang lalaking nakakaalam,

1311

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalake, at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon, na nagsasabi,

1312
Mga Konsepto ng TaludtodDakila at Munti

Nang magkagayo'y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan,

1313

Kaya't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi:

1314
Mga Konsepto ng TaludtodTaon ni Zedekias, Mga

Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias.

1315
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Inilibing na mga KatawanHayop, Kumakain ng Tao ng mgaKinakain ang mga BangkayDiyos, Bibiguin sila ng

Akin ngang ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay, at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.

1316
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay Nananalangin para Sayo

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila, Aking narinig kayo; narito, aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita; at mangyayari, na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo; aking ipahahayag sa inyo; hindi ako maglilihim sa inyo.

1317
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MababaPagiging MaliitMaliliit na mga Bagay

Sapagka't, narito, ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa, at hinamak kita sa gitna ng mga tao.

1318

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch:

1319
Mga Konsepto ng TaludtodNasayangWalang Lamang mga SiyudadPagsunog sa JerusalemTunay na Pagsalakay sa JerusalemPagbihag sa mga Lungsod

Narito, ako'y maguutos, sabi ng Panginoon, at akin silang pababalikin sa bayang ito; at sila'y magsisilaban dito, at sasakupin, at kanilang susunugin ng apoy: at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na mawawalan ng mananahan.

1320
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatago mula sa mga Tao

Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe kay Baruch, Yumaon ka, magtago ka, ikaw at si Jeremias, at huwag maalaman ng tao ang inyong karoroonan.

1321

Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.

1322
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng Pader ng Jerusalem

At ang buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng kapitan ng bantay, nagbagsak ng lahat ng kuta sa Jerusalem sa palibot.

1323
Mga Konsepto ng TaludtodPanghihina ng LoobBuntong HiningaKapahingahan, Pisikal naSarili, Pagkaawa saMakatulog, HindiKapaguranHindi MaligayaAko ay Nahihirapan

Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan.

1324
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap, Sanhi ngTunog

Ang hugong ng pagbabaka ay nasa lupain, at ang malaking kapahamakan.

1325
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nakakaalala ng Pagtatalaga

Ang kamangyan na inyong sinunog sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ninyo, at ng inyong mga magulang, ng inyong mga hari at ng inyong mga prinsipe, at ng bayan ng lupain, hindi baga inalaala ng Panginoon, at hindi baga pumasok sa kaniyang pagiisip?

1326
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Sabihin

Nang magkagayo'y sinabi ni Sedechias kay Jeremias, Huwag maalaman ng tao ang mga salitang ito, at hindi ka mamamatay.

1327
Mga Konsepto ng TaludtodTemplo, Inalis na mga Kagamitan sa

Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem:

1328
Mga Konsepto ng TaludtodTaon, MgaAng Araw ng KahatulanDiyos na Naglalagay ng PatibongTakot na Darating

Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon.

1329

Ang Moab ay nalalagay na sira, at ang kaniyang mga bayan ay mga sinampa, at ang kaniyang mga piling binata ay nagsibaba sa patayan, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo.

1330
Mga Konsepto ng TaludtodPinapanatili ang Sarili na BuhayNaglilingkod sa mga HariNaglilingkodPagsuko

Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira?

1331
Mga Konsepto ng TaludtodTanda mula sa Diyos, MgaDiyos na Hindi MababagoDiyos, Sinaktan sila ng

At ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan kayo sa dakong ito, upang inyong makilala na ang aking salita ay tunay na tatayo laban sa inyo sa ikasasama:

1332
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainDiyos na Nagbigay ng LupainGatas at Pulot

At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, lupain na binubukalan ng gatas at pulot,

1333
Mga Konsepto ng TaludtodHabambuhayNaiibang Kasuotan

At kaniyang binago ang kaniyang mga damit na pagkabihag. At si Joacim ay laging kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

1334
Mga Konsepto ng TaludtodMasugid sa mga Tao

Iyo ngang sasabihin sa kanila, Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari, na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan, na mamatay roon.

1335
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang mga Diyus-diyusanPagbibiro

Ang mga yaon ay walang kabuluhan, isang gawa ng karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon ay mangalilipol.

1336
Mga Konsepto ng TaludtodNamatay na tulad ng HayopPinatay na Gaya ng Hayop

Aking ibababa sila na parang mga kordero sa patayan, mga lalaking tupa na kasama ng mga kambing na lalake.

1337
Mga Konsepto ng TaludtodTumalikodGinawang KatatakutanKahihiyan ay Dumating

Ano't nabagsak! ano't tumatangis! ano't ang Moab ay tumalikod na may kahihiyan! gayon magiging kakutyaan at kapanglupaypayan ang Moab sa lahat na nangasa palibot niya.

1338

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi,

1339
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasa ng Kasulatan

Nang magkagayo'y ipinahayag ni Micheas sa kaniya ang lahat na salita na kaniyang narinig, nang basahin ni Baruch ang aklat sa mga pakinig ng bayan.

1340
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan sa LupaPanghihina ng LoobSibil na KaguluhanUsap-UsapanTakot sa HinaharapLabanan ang Kahinaan ng LoobYaong Hindi NatatakotUsap-Usapan

At huwag manganglupaypay ang inyong puso, o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain; sapagka't ang balita ay darating na isang taon, at pagkatapos niyaon ay darating sa ibang taon ang isang balita, at ang pangdadahas sa lupain, pinuno laban sa pinuno.

1341

Si Ebed-melec ay lumabas sa bahay ng hari, at nagsalita sa hari, na nagsasabi,

1342

At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi,

1343

Ang anak na babae ng Egipto ay malalagay sa kahihiyan; siya'y mabibigay sa kamay ng bayan ng hilagaan.

1344
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Salita ng Diyos

Nangyari nga, nang kanilang marinig ang lahat na salita, sila'y nagharapharapan sa takot, at nagsabi kay Baruch, Tunay na aming sasalitain sa hari ang lahat na salitang ito?

1345

Kaya't ang kaniyang mga binata ay mangabubuwal sa kaniyang mga lansangan, at lahat ng lalake na mangdidigma ay mangadadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

1346
Mga Konsepto ng TaludtodBilisDiyos na Hindi Maliliwat

Ang kasakunaan ng Moab ay malapit nang darating, at ang kaniyang pagdadalamhati ay nagmamadali.

1347
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigIba't ibang mga Diyus-diyusanPakikinig sa Diyos

Nguni't hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.

1348

Kaya't mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan, at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.

1349
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga Siyudad

Ano't hindi pinabayaan ang bayan na kapurihan, ang bayan na aking kagalakan?

1350
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigPayo, Pagtanggi sa Matuwid na

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias kay Sedechias, Kung saysayin ko sa iyo, hindi mo baga tunay na ipapapatay ako? at kung bigyan kita ng payo, hindi ka makikinig sa akin.

1351
Mga Konsepto ng TaludtodPagsuko

Nguni't kung ikaw ay tumangging lumabas, ito ang salita na ipinakilala sa akin ng Panginoon,

1352
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatanim ng Ubasan

Ni huwag kaming mangagtayo ng mga bahay na aming matahanan; ni huwag kaming mangagtangkilik ng ubasan, o ng bukid, o ng binhi:

1353

Gayon ma'y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig, at sa mga pakinig ng buong bayan:

1354
Mga Konsepto ng TaludtodPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanTaggutom, Nakamamatay na

Ngayon nga'y talastasin ninyong tunay na kayo'y mangapapatay ng tabak, ng kagutom, at ng salot, sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan.

1355
Mga Konsepto ng TaludtodSalot, MgaPinatay sa TabakTaggutom na Mula sa Diyos

Sapagka't aking parurusahan silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot;

1356
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatanongHindi Pinapakinggan

Nang magkagayo'y dumating ang lahat na prinsipe kay Jeremias, at tinanong siya: at kaniyang isinaysay sa kanila ang ayon sa lahat ng salitang ito na iniutos ng hari. Sa gayo'y pinabayaan nilang magsalita siya; sapagka't ang bagay ay hindi nahalata.

1357
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngDiyos, Magpapakita ng Awa ang

At pagpapakitaan ko kayo ng kaawaan, upang kaawaan niya kayo, at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain.

1358

At kanilang tinanong si Baruch, na sinasabi, Iyong saysayin ngayon sa amin, Paanong isinulat mo ang lahat ng salitang ito sa kaniyang bibig?

1359

At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito; nguni't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo.

1360
Mga Konsepto ng TaludtodKadena

At pinapangyari, at ginawa ng Panginoon ayon sa kaniyang sinalita: sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima ng kaniyang tinig, kaya't ang bagay na ito ay dumating sa inyo.

1361
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasa ng Kasulatan

At sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay umupo ngayon, at basahin mo sa aming mga pakinig. Sa gayo'y binasa ni Baruch sa kanilang pakinig.

1362
Mga Konsepto ng TaludtodPagbihag sa mga LungsodDiyos, Bibiguin sila ng

Ganito ang sabi ng Panginoon, Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, at sasakupin niya.

1363

Nguni't kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako'y nakipagsalitaan sa iyo, at sila'y magsiparito sa iyo, at mangagsabi sa iyo, Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari; huwag mong ikubli sa amin, at hindi ka namin ipapapatay; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo:

1364
Mga Konsepto ng TaludtodNakaligtas sa Israel, MgaMasamang Bagay

At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto.

Pumunta sa Pahina: