Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang hukay nga na pinagtapunan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga tao na kaniyang pinatay, sa siping ni Gedalias, (siya ring ginawa ni Asa na hari dahil sa takot kay Baasa na hari sa Israel), pinuno ni Ismael na anak ni Nethanias ng nangapatay.

New American Standard Bible

Now as for the cistern where Ishmael had cast all the corpses of the men whom he had struck down because of Gedaliah, it was the one that King Asa had made on account of Baasha, king of Israel; Ishmael the son of Nethaniah filled it with the slain.

Mga Halintulad

Mga Hukom 6:2

At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay.

1 Samuel 13:6

Nang makita ng mga lalake ng Israel na sila'y nasa kagipitan, (sapagka't ang bayan ay napipighati) ang bayan nga ay nagkubli sa mga yungib, at sa mga tinikan, at sa mga bato, at sa mga katibayan, at sa mga hukay.

2 Samuel 17:9

Narito, siya'y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako: at mangyayari, na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula, sinomang makarinig ay magsasabi, May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom.

1 Mga Hari 15:17-22

At si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda.

Mga Hebreo 11:38

(Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.

Josue 10:16-18

At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.

1 Samuel 14:11

At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo: at sinabi ng mga Filisteo: Narito, ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan.

1 Samuel 14:22

Gayon din ang mga lalake sa Israel na nagsikubli sa lupaing maburol ng Ephraim, na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas, ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka.

1 Samuel 24:3

At siya'y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan, na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa. Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib.

2 Paralipomeno 16:1-10

Nang ikatatlong pu't anim na taon ng paghahari ni Asa, si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama, upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

8 Nguni't sangpung lalake ay nangasumpungan sa kanila na nangagsabi kay Ismael, Huwag mo kaming patayin; sapagka't kami ay may mga kayamanan na kubli sa parang, na trigo, at cebada, at langis, at pulot. Sa gayo'y nagpigil siya, at hindi niya pinatay sila sa gitna ng kanilang mga kapatid. 9 Ang hukay nga na pinagtapunan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga tao na kaniyang pinatay, sa siping ni Gedalias, (siya ring ginawa ni Asa na hari dahil sa takot kay Baasa na hari sa Israel), pinuno ni Ismael na anak ni Nethanias ng nangapatay. 10 Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Ismael ang lahat na nangalabi sa bayan na nangasa Mizpa, sa makatuwid baga'y ang mga anak na babae ng hari, at ang buong bayan na nalabi sa Mizpa, na siyang mga ibinilin ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay kay Gedalias na anak ni Ahicam; sila'y dinalang bihag ni Ismael na anak ni Nethanias, at nagpatuloy na yumaon sa mga anak ni Ammon.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org