Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
New American Standard Bible
How much less one who is detestable and corrupt, Man, who drinks iniquity like water!
Mga Paksa
Mga Halintulad
Job 34:7
Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig,
Kawikaan 19:28
Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
Job 4:19
Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo!
Job 20:12
Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
Job 42:6
Kaya't ako'y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.
Awit 14:1-3
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,
Awit 53:3
Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Mga Taga-Roma 1:28-30
At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;
Mga Taga-Roma 3:9-19
Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;
Tito 3:3
Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin. 16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig! 17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag: