Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.

Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman.

At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.

Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.

At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.

Anong aking sasabihin? siya'y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa: Ako'y yayaong marahan lahat kong taon, dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.

At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito.

At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios sa burol, siya'y humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin.

Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.

Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian.

Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating.

Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?

Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.

Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:

Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.

At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.

At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.

Sapagka't sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; hindi upang kayo'y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag

Lahat ng pagsasalin
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)