Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.

New American Standard Bible

that he feared greatly, because Gibeon was a great city, like one of the royal cities, and because it was greater than Ai, and all its men were mighty.

Mga Halintulad

Exodo 15:14-16

Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia.

Deuteronomio 11:25

Walang lalaking makatatayo sa harap ninyo: sisidlan ng Panginoon ninyong Dios ng takot sa inyo at ng sindak sa inyo sa ibabaw ng buong lupain na inyong tutuntungan, gaya ng kaniyang sinalita sa inyo.

Deuteronomio 28:10

At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila'y matatakot sa iyo.

Josue 2:9-13

At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.

Josue 2:24

At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.

1 Samuel 27:5

At sinabi ni David kay Achis, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain, upang ako'y tumahan doon: sapagka't bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari?

2 Samuel 12:26

Nakipaglaban nga si Joab, sa Rabba sa mga anak ni Ammon, at sinakop ang bayang hari.

Awit 48:4-6

Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.

Kawikaan 1:26-27

Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;

Kawikaan 10:24

Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.

Mga Hebreo 10:27

Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

Mga Hebreo 10:31

Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.

Pahayag 6:15-17

At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

1 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa gitna nila; 2 Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan. 3 Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org