Josue 18:16

At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa libis ng Rephaim na dakong hilagaan; at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa En-rogel;

2 Mga Hari 23:10

At kaniyang nilapastangan ang Topheth, na nasa libis ng mga anak ni Hinnom, upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalake o babae sa apoy kay Moloch.

Josue 15:7-8

At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel:

Isaias 30:33

Sapagka't ang Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy.

Josue 15:63

At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

Josue 18:28

At Sela, Eleph, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.

Mga Hukom 1:8

At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at sinilaban ng apoy ang bayan.

Mga Hukom 1:21

At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem: kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

Mga Hukom 19:10

Nguni't hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon, kundi siya'y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus (na siyang Jerusalem): at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak; ang kaniyang babae ay kasama rin niya.

2 Samuel 17:17

Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng Enrogel; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila; at sila'y nagsiparoon, at isinaysay sa haring kay David: sapagka't sila'y hindi makapakitang pumasok sa bayan.

1 Mga Hari 1:9

At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari.

1 Paralipomeno 14:9

Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.

2 Paralipomeno 28:3

Bukod dito'y nagsunog siya ng kamangyan sa libis ng anak ni Hinnom, at sinunog ang kaniyang mga anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na mga pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.

2 Paralipomeno 33:6

Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng anak ni Hinnom: at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.

Jeremias 7:31-32

At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip.

Jeremias 19:2

At ikaw ay lumabas sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo:

Jeremias 19:6

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging Topheth, ni Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.

Jeremias 19:11

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.

Jeremias 32:35

At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda.

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag