Josue 21:7

Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.

Josue 21:34-40

At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,

Exodo 6:19

At ang mga anak ni Merari; si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang lahi.

Mga Bilang 3:20

At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan; ay si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

1 Paralipomeno 6:63

Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, labing dalawang bayan.

1 Paralipomeno 6:77-81

Sa nangalabi sa mga Levita, na mga anak ni Merari, ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon, ang Thabor pati ng mga nayon niyaon:

Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag