Josue 9:10
At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.
Mga Bilang 21:24-35
At sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.
Deuteronomio 1:4
Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumatahan sa Hesbon, at si Og na hari sa Basan, na tumatahan sa Astarot sa Edrei:
Josue 12:4
At ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa Astaroth at sa Edrei,
Deuteronomio 2:30-7
Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.
1 Paralipomeno 6:71
Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon;
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag